Luna Moth


Ngayong gabi,
sa buwan ay nakatanglaw
Hindi daw mababali ang utos ng hari.
Ngunit wala silang nagawa
Nang di man lang lumingon ang diwata.

At ngayong gabi rin,
Walang  panahon para makipaglaro sa apoy
Sapagkat bukas ay,
Makikipagtanan sa prinsepe ng kagubatan

At sa makalawa,
Babawian na ng buhay pagkatapos maisilang
Ang isang panibagong gamu-gamong
Isang linggo lang din naman ang  pag-iral.

At sa susunod na araw,
Tutulo ang dugo ng mga hari

Ngunit ni-isang  gamu-gamo'y hindi iiyak.

Comments

Popular Posts