Individuality, Branding, at ang Future ng Creative Work


Magpakatotoo ka. 

Sabi nila. Dapat kung anong nararamdaman mo, sinasabi mo. Kung anong naiisip mo, dapat nahahayag ito. Na para bang may assumption na nagiging sinungaling ka kung tumatahimik ka. Na para bang onsistent at basa ka nila kung anong dapat na sino ka. 

 Sa mga ganung linya, tiyak na may assumptions na ng pagiging individual, mayroong assumption na nadiskubre mo na ang values mo, ang sense ng pagiging tama o mali. Kaya meron kang sariling opinion o boses sa mga bagay. Pero kagaya sa isang craft, mahirap ma-achieve yung authentic style kumbaga dahil maraming influences ang nasa paligid mo. At kailangan din ng marami-raming karanasan bago mo masabing ito ang gusto mong gawin, na ito ka talaga. 

Kung singer ka, dapat natry mo na muna pakinggan ang iba't-ibang genre para mabuo yung taste mo. Tapos nun, emulate mo na sila. Tapos nun, magugulat ka na lang na may sarili kang style. Cool. Ganun din sa writing, ganun din sa sports. 

Ganun din malamang sa thinking. Kung ikaw ay produkto ng mga iniisip mo, masasabi mo bang ikaw talaga ang active na individual?  O by-product ka lang? So meron ba talagang isang individual na ikaw kung ganun? Ayokong lumalim dito dahil unang-una wala ako sa mood sa pamimilosopiya. Ang ibig ko lang sabihin, kung kaya nating baguhin ang paraan natin ng pag-iisip, kayang-kaya nating baguhin ang tastes natin sa lahat ng bagay (pagkain, fashion, music, atbp). 

Dito na pumapasok ang branding. May sarili kang kwento, may sarili kang produkto. Kaya mong icommodify ang individuality na yan. Kaya mong pagkakitaan ang personality mo. Kaya mong panindigan iyan, kahit di naman talaga iyan ang gusto mo. Kaya mong kumuha ng taga-subaybay na magiging daan sa financial freedom. Tandaan na wala tayo sa usapin ng kung anong tama o mali.  Lalong wala ako sa posisyon para magsabi kung anong tama at mali, nasa kanya-kanyang values iyan. Nilalagay ko lang ngayon kung anong naisiip ko. Hindi din ako nagkeclaim na original ito.

Ang sinasabi ko lang, sa ganitong panahong sa internet na umiinog ang mundo, lagi't-laging may naiiwan tayong bakas. Kung anong sabihin mo, isulat mo, nandyan na yan. Dahil eto na nga ang mundo, kailangang sumabay, hindi ba? So anong balak mo ngayon? Creator ka ba o consumer? Or both?

Bakit natin pinaguusapan ito? Possible sa future na lahat ng trabaho ay creative na. Automated na lahat, at hindi na kailangan ng tao para sa mga manual labor. Maraming mawawalan ng trabaho. Ultimo abogado, o doktor, pinapalitan na ng AI. Lahat ay disposable sa ganitong panahon.

At sa ganitong panahon din,  hindi mo na madistinguish ang totoo sa hindi. Na ang hatian ng virtual at real ay unti-unting lumalabo na, paano ba tayo mag-aadjust? Pwede bang magmakaawa na sana konting panahon pa hanggang sa matutuhan nating mag move forward? Parang ang sagwa naman nun, ano? Hindi realistic. So, sapilitan siguro, ano? Sabagay hindi naman tayo hihintayin ng teknolohiya, wala namang puso iyon,  lalo na yung taong ang gusto lang ay kumita. 

Ano sa tingin mo?




Comments

Popular Posts