Kung Paano ko Makakamit ang Kapayapaan (Edited)
Sisimulan
ko ito sa pagsasabi na ang pagtingin ko sa sangkatauhan ay isang musika. Parang
isang gitara na may iba-ibang tono sa pagitan ng bawat kwerdas. Kapag ikaw ang
naglalaro, nasasaiyo kung anong tunog ang lilitaw.
Samantala,
ang pilosopiya naman ay komplikado. Ang lahat na umiibig rito ay madalang ang
pagsang-ayon. Bawat pilosopo ay madalas ang pagdududa at madalas isinasantabi
ang kapayapaan. Walang makikinig sa pilosopiya ng iba kung hindi pa niya ito naidigma
sa argumentong kanyang napag-isipan. Na kapag nakaligtas ito ay maaari niyang
subukang isabuhay. Ang pilosopiya ay giyera ng mga intelektwal. Ang mga umiiābig ay parating bitbit ang mabibigat
na pananggalang. Bihira ang umiibig sa kaguluhan. Halos lahat ay takot magpasan
ng bigat na binibigay ng pag-iisip, kaya marami ang nalalamangan. Sa huli,
parating sinasalungat ng pilosopiya ang praktikalidad
***
Ngunit kahit anong paghahambing pa ang gawin sa dalawa ay hindi nangangahuluigang magkasalungat sila.Kung paano ko makakamit ang kapayapaan ay maaaring sa paggamit ng pilosopiya at musika. Alam natin iyan, maaari mong mahalin pareho nang walang nilalabag na anumang kumbensyon. Ang dalawa ay hindi dicotomia. Kung gagamitin ko ang musika para matanggal ang bigat na ibinunga ng sobrang pag-iisip ay makakatulong para bumalik ako sa normalidad. Ang kapayapaan na tinutukoy ko rito ay ang panandaliang kapayapaan. Ito'y maaaring ihambing sa kalma ng karagatan matapos ang malakas ng bagyo.
Nais kong ipagpaumanhin; mas gusto kong magpasalamat; ibig kong magpaalam sa kababawan ng mundo, ngunit isa akong mahinang nilalang. Gusto kong maging malinis sa mata ng Diyos ngunit inaasam ang pagsang-ayon ng mundo. Gustong maging pilosopo ngunit ayaw sa pilosopiya. Magaling mag-plano ngunit mahinang magsagawa. Malakas magsalita ngunit ayaw makinig. Isa akong kabataan na laging nagrerebelde at isang tangang nag-iisip na kaya kong iligtas ang mundo maabot ko lang ang aking pangarap.

Iisang
kulay lang ng mundo ang napapansin ko. Ito ay ang kulay ng dagat, na para sa
akin ay eupemismo sa kaguluhan, simbolo ng mapaglarong tadhana. Sa unang tingin ay
napakapayapa habang nilalapatan ng araw, ngunit sa gabi ay walang humpay ang
malalakas na alon, hinahagupit ang mga manlalayag. Waring isang paslit na tinatakpan ng ngiti ang nagpipira-pirasong pintig.
Darating
ang araw na magsasawa ako sa pag-iisip ng paraan upang maging patas ang mundo
sa lahat. Darating ang araw na magiging bahaghari ang tingin ko sa pagkakaiba-iba
ng kulay at hindi na basta paltak ng karumihan.
Masakit mang sabihin, wala akong ideya kung paano ko makakamit ang kapayapaan. Wala akong ideya kung paano mabubura ang kalungkutan sa bagot kong kalooban. Sa tingin ko'y puro takot ang pinaiiral ko kaya't lagi kong gustong makialam . Napakalakas ng alon at hindi ko pinansin na kaya niya akong dalhin sa kung saan man. Kung gayon, kailangan ko munang maghintay hanggang pumanig na sa akin ang alon. Ang kapayapaan, sana, ay sakay ng maliit kong balsa.
***
Magkaiba kami ni Crusoe, siya lang ang may kayang mamuhay nang mag-isa. Ako -- isang asa' sa lipunang kinabibilangan. Gayunpaman, kailangan kong ipagpatuloy ang pamumuhay, sapagkat ang pamumuhay ko sa loob ng lipunan ay isang kalayaan para sa kanya. Kung gayon, mabubuhay ako nang wagas -- yaong walang pagtitipid. Dun darating ang kalayaan.

Comments
Post a Comment