Dos Pesos

Di ba napag-usapan na natin dati
na di ka dapat magalit sa tulad niya?
Isisisi mo ang lahat sa kanyang kabataan,
doon sa mapait niyang nakaraan.

Isisi mo sa mga magulang niya,
silang mapag-abandona.
Isisi mo sa kahirapan,
Sa mga kamalian nitong bulok na lipunan.

Pero kabilang tayo sa lipunan,
Kaya hindi tamang sisihin natin ito.
Maaari ko po bang sisihin ang Diyos?

Susko po! ano bang sinasabi mong bata ka?
Sa halagang dos pesos? Huwag na huwag!
Tara na, bigyan mo na lang ng limos.

Comments

Popular Posts