Dear You,
Madalas akong magsalita noon tungkol sa mga inspirasyon. Sinabi ko pa sayo dati
na kailangan ng inspirasyon na aabot man lamang sa ika-isandaang pahina bago ka
makasulat ng libro. Noon, nagsasalita ako sa inspirasyon bilang motibasyon sa
malalaking bagay na dapat mong isagawa. Pero gusto kitang paalalahanan ngayon na baka hindi tayo nagkaunawaan nang bitawan ko iyon. At gusto kong
linawin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mo ng motibasyon para
simulan ang isang bagay. Ang totoo nyan, maaaring hindi totoo ang konsepto ng
motibasyon.
Maaaring hindi
totoo ang konsepto ng motibasyon. Maaaring maghintay tayo nang buong husay at
pasensya para sa motibasyon sa pagsulat ng magandang libro subalit hindi ito
darating. Kung akala mo na ang motibasyon ay katulad nung feeling sa
tuwing nakikita mo si crush, nagkakamali ka. Maling-mali ka dun gurl. Hindi na
tayo bata na pumapasok sa mga klaseng bibit ang abot tengang ngiti. Hindi tayo
laging motivated sa pagpasok sa klase kahit alam natin na ito ang susi sa
kinabukasan at ito ang magtutupad ng ating mga pangarap, mga ganung drama ba.
Mga bata lang ang nakakagawa nun. At dun ako bilib sa kanila. Tipong makapanood
lang ng anime ay magtatakbo sa labas at maglulundag sa kama; nag-iimagine na
isa silang ninja.
In-assume ko
na may mga bagay na nabago sayo, kagaya ng hindi ka na ganun kadaldal saken at
mas marami na akong sinasabi kesa sayo. In-assume ko din na iyon ay dala ng
pagdagdag ba ng taon. Mature ka na siguro. Maiksi na ang pasensya sa
mahahababang kwento na walang laman. Hindi na tayo madalas magpanagpo sa chatbox
at hindi na din madalas ang pagsesend ng mga links ng kung sino-sinong tao na
gusto mong ipakilala saken at ng mga random na blogs na nabibisto kong ikaw
pala ang may-ari. O, huwag sanang uminit ang ulo mo kapag sinabi ko sayo na ---
hindi pa rin talaga kita kilala.
Wala akong maipapayo kung magtatanong ka sakin bigla tungkol sa (laro ng) pag-ibig. Sapat nang ipagpasalamat sa Kanya ang dalawang dekada. Sensya na kung madaldal ako, alam naman din nating dalawa na ayaw mong pag-usapan ang edad. Pero, kahit papano yun naman ang totoo. Ganun ang tao Inah, ayaw marinig ang katotohanan. Sasabihin natin na alam na natin ang mga bagay-bagay kaya wala nang dapat ulitin pa. Pero ang totoo, makakalimutin tayo. Kagaya ng mga salawikain na pilit nating sinasabi na alam na nating ang kahulugan. Ang totoo, malalaman lang natin ito kapag sineryoso natin sila; kapag tinigilan natin ang pagtawag sa kanila ng corny. Oo man, ang mga kasabihan ay isa sa mga katotohanang lumalampas sa pagsubok ng panahon at kondisyon.
Gayunpaman, gusto kong iwan ang hamon sa bawat
isa na hindi tayo ang solong akda sa sari-sariling kwentong ating binubuo.
Hindi ka nag-iisa Inah. Ang mundong ito ay hindi umiikot sayo o sa akin, o sa
kwento nating dalawa, kung meron man. Hindi ito tungkol sa kung sino ang bida o
kontra. Ito ay wala sa mga alitan at problema kundi sa pagresolba. At dito
papasok ang motibasyon na pilitin ko mang itakwil ang konsepto, hindi ko pa rin
kayang hindi-an ang pagbisita.
Tapusin natin
ito sa isang maikling kwento. Nung bata ako, madalas akong manood ng cartoons.
Tandang-tanda ko pa ang eksena ni Winnie the Pooh kasama si Toper (Christopher).
Sa eksena, nakasandal si Christopher sa puno habang masayang naglalaro ng alitaptap
si Pooh. Nagdrama si Christopher at itinanong kay Pooh kung paano na kapag
magkahiwalay silang dalawa. āHindi mangyayari iyonā, sagot ni Pooh. āKahit
kunwari lang paano kung mangyari iyon?ā, balik ni Christopher. Biglang
nalungkot si Pooh at nagbanggit siya ng ibat-ibang posibilidad, tipong wala na
daw siyang makakasama . Pinakalma naman ni Christopher si Pooh at sinabi:
āKapag
dumating ang araw na magkahiwalay tayo, lagi mong tatandaan na mas matapang ka
sa inaaakala mo, mas malakas kaysa sa inaaasahan, at mas matalino kaysa sa
naiisip mo.ā
(āIf ever there is tomorrow when we're not together... there is something you must always remember. You are braver than you believe, stronger than you seem, and smarter than you think.ā)
(āIf ever there is tomorrow when we're not together... there is something you must always remember. You are braver than you believe, stronger than you seem, and smarter than you think.ā)
At magpapatuloy
sila sa pag-iral --- kagaya ng buhay natin.
Comments
Post a Comment