Freedom Park

Biyernes, nag-jog kami hanggang magha-hatinggabi. Napagsabihan pa nga kami ng mga CSB(guard) kasi sablay daw jogging namin. Sino nga ba naman ang magpapapawis ng hating-gabi, itutulog na kaya yun. Gusto lang kasi namin ni Edu na ipagpatuloy ang routine namin. Nung mga unang linggo kasi ng pasukan e palagian kaming mag-jog, M W F, 7-8pm, Freedom Park. Mayabang kami dahil mahirap magkaroon ng ganung routine kapag college student ka na. Isama pa natin na 4th year na ako at third year naman si Eduboy. 

Sabado, naglaro kami ng table tennis nung umaga. Nung hapon, nagpunta kami sa open house ng Bethany. Masarap ang inihanda ng Bethany ladies. Classic sa handaan ang combo ng pancit bihon, shanghai, maja blanca, siomai at iced tea. Ganda ng bahay nila sa subdivision kaso 17k daw kada buwan. Kinagabihan, kinuha ko ang Finn and Jake bags sa apartment ng brod ko. Linggo, may tonsilitis na ako. Pero nagbenta pa rin ako ng bag at natulog pagkatapos. Binentahan ko si Mr. Guitar ng isang Jake bag. Si Deo ay next time na lang kukunin yung kanya kasi wala pa daw sweldo, nagpa reserve siya ng isa pa bilang pa-consuelo.


 Lunes, may lagnat na ako at nagbiyahe ako papuntang elbi. Natawa ako nang nakita ko si Edu na may sakit din. Sinasabi ko na nga ba, may kalalagyan ang lahat ng kahambugan. Tinanong ko kung may sakit din si Kuya Enteng na kasama din naming mag-jog nung Biyernes. "Walang pakialam yun si Kuya Mark" (nickname ni kuya Mark ay Enteng) "Mas madalas pa yung magpuyat satin a. Grabe na." Kaninang umaga ng Martes. Alas-singko kami gumising para sa devotion. Nagtagal ito hanggang alas-siete. Dumiretso naman kami agad sa UHS (University Health Service) para magpa-check-up. Hanggang bukas daw kami magpahinga. Ibig-sabihin walang pasok.Habang nagpapahinga kanina, madami akong naalala. Paano kung hindi na makahabol sa lectures? Paano yung mga meeting na kelangan sana ako? Paano kung magulat ako sa mga quiz pagbalik ko?

Comments

Popular Posts