Simpleng Aral
May notion ako nitong mga nakaraang araw na posibleng
ang mga komplikadong bagay na nangyayari sa akin ay mali. Kapag hindi ko
maunawaan, hindi din kayang ipaliwanag nang iba sa akin, una kong naiisip na
may mali sa mga nangyayari. Baka may kulang sa impormasyon, o may hindi
pagkakaunawaan.
Kung gaano kasimple ang bagay, ganun din iyon kadaling
gawin. Kung madaling gawin ang isang bagay, madali syang araw-arawin. Kapag
madaling araw-arawin hindi malayong makamit ang nais nang hindi kailangang
masaktan.
Araw-arawin
mo ang pag-iisip ng paraan kung paano ka huhusay sa mga bagay na pinagkakaabalahan
mo. Hindi mahalaga kung sa tingin mo ay sobrang bagal ng progress. Ang kakayahan
ay parang nagkapatong-patong na interes, palaki nang palaki kahit wala kang
ginagawa. Mahirap i-unlearn ang mga bagay lalo na kung sobrang dali na nito
para sa iyo.
***
Ang
sikreto para sumaya ka ay ang paggawa ng mga simpleng bagay. Dahil kung
babalikan ang kasaysayan, siguridad (security) lang ang binibigay ng kayaman at
kapangyarihan. Pinag-aralan iyan ng mga positive psychologists. Ang simpleng
pagdidilig ng halaman, pakikipagkwentuhan, kasama ang iba pang hindi mabilang
at malilit na bagay ang nagpapasaya sa isang tao.
Ang ideya ng pagbabahagi at pakikibahagi sa
iba ng mga natanggap na pagkilala at parangal ang nagpapasaya sa isang
tao hindi ang mismong pagkakaroon nito. Kung hindi man ganun, sa huli ang hinahanap ng tao ay ang pagsang-ayon at paghanga mula sa kapwa. Minsan nagiging tanga ang
tao sa paghahanap ng pagsang-ayon ng iisang tao lang kapalit ng mas malalaking
bagay na mayroon na siya. Kawalan ng dangal para sa huwad na karangalan.
Kawalan ng kaibigan para sa bagong kaibigan.
***
Subalit
ang mga madadaling bagay ay madadali lang ding hindi gawin.
Madaling
ipagpaliban ang mga ito sa purong kadaahilanang madali lang silang gawin. Iniisip mo na kahit anong oras ay pwede naman silang matapos at wala namang biglaang parusa ang hindi paggawa ng simpleng bagay. Madaling hindi
magbasa kahit limang pahina ng isang magandang libro (hindi nobela ha)
gabi-gabi. Madaling hindi pumasok araw-araw lalo na kung pakiramdam mo walang
mawawala sa iyo. Madaling tumingin sa kamalian ng iba, mas madaling mamintas. Kapag hindi mo ginawa ang simpleng bagay, pakiramdam mo ay walang nangyari. Pwede ring, kapag ginawa mo ang maliliit na bagay, aakalain mong walang epekto ito sa pagtupad ng napalaki mong hangarin.
Siguro
ang simpleng aral ngayong araw ay pagbabago ng kaisipan,pagtanaw nang mas malayo sa karaniwan. Pagpapahalaga sa mga simpleng bagay. May misteryo kasi lagi ang
mga komplikado kaya laging sila ang kumukuha ng atensyon ng karamihan. Pero
kahit bali-baliktarin mo pa ang kasaysayan, ang mga artikulante, engrandeng komplikadong
bagay ay mababakas sa pinagpatong-patong, pinagsama-samang simpleāt maliliit na
bagay. Pero syempre, hinabi sila sa pinakamagandang paraan.
Comments
Post a Comment