Paano Maging Superhero?
Magulo
pa din ang nangyayari sa paligid ko. Dala ito, marahil, ng magulong pag-iisip. Siguro
hindi lang naman ako ‘to, lahat naman pansin ang hindi perpektong mundo. Normal
lang na makaranas ng pagkawindang minsan. Hindi ginagawa ang thesis na dapat
tapos na; libro na nakatengga pa din; mga pelikula na pinangakong papanuorin.
Normal iyan. (At may kanya-kanya tayong paraan para pagaanin ang kanya-kanyang
loob.)

Halimbawa ang undergraduate thesis ko. Simple
lang ang mga kwentong kumakalat tungkol sa mga undergraduate thesis sa
Department of Social Sciences: “Mahirap ang thesis. Nakakadelay ito lalo.
Mag-practicum ka na lang.”
Kaya ang kwentong binabanggit ko sa sarili ko (unconsciously): Mahirap ang thesis, kaya kailangang mag-rant ako sa facebook at sisihin ang adviser ko dahil wala syang maitulong sa akin. Hindi ako matatapos sa isang sem at madedelay na naman ako. Nakakahiya.
Totoong
may batayan ang sinasabi ng iba, pero hindi sapat na dahilan iyon para maging
pangkalahatang diskurso ng ginagawa ko. Marahil,
may isang solusyon dito: Mag-isip ng pinaka-astig na kwento.
Imbes na
puro rant baka pwedeng ang kwento ko ay:
Mahirap
ang thesis ni C. Bago ang konsepto nya kaya dini-discourage na naman sya ng mga tropa nyang professor.Hindi
na bago iyon. Dati, gumawa na din sya ng proposal
at tinanggihan nila dahil MAHIRAP daw isagawa ang mga naiisip nya. Pero
magpapatuloy si C. Magbabasa sya nang
magbabasa, mag-iisip nang mag-iisip at magsusulat nang magsusulat. Hindi nya
papansinin ang sasabihin ng iba at hindi matatakot kung ano man ang kakalabasan
ng gagawin niya.
Ngunit
mapapansin niyang hindi madali ang pinaplano nya. Malakas makahatak ang mga
negative status ng mga kaklase niya. At mahirap tanggihan ang anime na matagal
nya ring gustong panuorin. Pero dahil awesome si C, hindi siya basta-bastang
magpapadala sa distractions --- hanggang mapunta siya sa ZONE. Sa Zone, mas tatalas
ng kaunti ang isip niya at sasapi ang mga spirito ng mga awesome na
sociologists (wag sanang si Karl Marx). Mas bibilis syang magsulat at
mag-analyze ng data. Kagaya sa comics, hindi naman pala total loner itong hero
natin. May mga awesome na kaibigan sya --- mga statistician. Reresbak ang mga
kaibigan niya para sa kanya. Hindi nya mapapansin, natapos na niya ang thesis
nya sa loob ng tatlong buwan.
Sige,
real talk. Baduy ang kwento na ito, hindi ito astig. Purong optimism kasi. Pero
pansinin, ganyan din ang pattern ng mga kwento ng mga superheroes natin. Mapa-comics
o manga man, may conflict-resolve din. Isa lang ang ibig-sabihin nito: boring
ang routine ng mga superhero.
Kung
awesome sila, dapat awesome din ang routine nila, hindi ba? Hindi. Mali ang
itinuro sa’yo ng tv at ng mga pelikula. Sisihin mo sila. Pinapalabas nilang
easy-to-do lang ang training ni Saitama, pero sa totoo, kahit si Pacquiao
magmumukhang anemic pag ginawa nya yun. Sa mundo ng mala-pantasyang istorya,
ilang minuto/oras mo lang mapapanuod ang “training”. Pabalat-bunga pa ito at condensed,
dahil limitado lang naman talaga ang oras ng isang pelikula. Pero, kapag
isinalin mo sa totoong buhay, 10, 000 hours talaga ang kailangan mo para maging
bihasa’ o “master” sa craft mo. Kung hindi mo pa alam iyan, inililihim nila
iyon para konti lang ang maging superhero. Manuod ka nang manuod ng mga
superhero --- hindi ka magiging superhero. Pwede kang maging otaku o comic-fan.
Hindi superhero.
Isa lang
din ang ibig-sabihin nyan, kung gusto mong mabuhay na parang superhero, isa sa
mga dapat mong gawin ay gamitin gasgas
na frame ng kwento nila.
Pero
boring yun eh.
Ganito
na lang, magkaroon tayo ng kasunduan. 1)Gumawa ka ng script (pinaka-astig na
kwento mo) 2) Sundin mo nang buong husay. 3) Kapag na-achieve mo na, saka tayo
mag-usap kung baduy ba talaga ang maging superhero.
Comments
Post a Comment