Minsan, Nag-Senti si Sherlock
Nakasanayan ko nang humanap
ng tema. Hinahanap ko ito sa mga magugulong pangungusap, at pautal-utal na
pagpapaliwanag ng mga kaklase at mga kaibigan. Napapansin ko ito sa galingā ng
gurong bigyang kahulugan ang mga sagot ng puyat niyang estudyante. Biglang
liliwanag ang pawisā na mukha, āsa wakas, na-gets ni prof.ā
Nakikita ko rin
ang mga tema sa mga damit na paulit-ulit sinusuot, sa mga kilay na pinintahan
at sa diin ng pagkakalagay ng lipstick. May mga damit na biglang lumilihis sa
tema nila, sa ugali o angas, na nanghihikayat ng pang-uusisa. āSiguro, puyat
siya kaya mas maayos manamit ngayon pero alam kong hindi siya magsusuot ng
dress sa normal na araw (1)malabong may date, (2) wala kaming reporting sa
klase, ano kaya, baka naman nasa labahan ang damit. May mga gumagamit ng ganitong dahilan kahit halata namang gusto lang nilang mag-ayos. Ang cute lang kapag nahuhuli kong hindi sila sanay sa atensyon.
Sa mga paggalaw ng kamay,
nalalaman ko kung kinakabahan na ang mga kaibigan. Madalas, litaw na litaw ang
mga gusto nilang ipahiwatig kagaya ng tagal o higpit ng yakap at lakas ng boses
sa tuwing magkakasalubong kami sa daan. Minsan, kinakailangan ng āpakiramdamā
para maunawaan sila. Sa tagal naming magkakasama, sa pagbitak ng mga boses,
naiiintindihan kong kailangan nilang mag-isa. Sa mga kakaibang titig, naririnig
ko sa loob kong āKapag umalis ka ngayon, hindi kita papansinin ng isang linggoā
o di kayaāy ākahit ngayon lang, pls.ā
Sa tinagal-tagal na nang
paghahanap ng tema, nagiging mas natural na lang ang lahat. Hindi kailangan ng
maraming pag-iisip para maintindihan ang mga bagay-bagay. Batay sa mga ginawa
nila ng nakaraan, masasabi ko kung ano ang gagawin nila ngayon, masasabi ko
kung ano ang desisyon nila kapag hihingin ko ang payo nila sa mga kaguluhan ko.
Nahuhuli ko ang sariling tumatawa kapag naririnig ko ang parehong salita na
hinulaan ko. āSabi ko na nga ba at ito ang sasabihin niya.ā
Nangako akong ang mga
kilatis ko ay hindi magiging batayan ng pakikipag-ugnay ko sa tao. Madali lang mag-asssume e. Totoo namang madalas tama ang mga assumptions natin, kaso ang
mahirap ay ihiwalay ang sarili sa mga ito, gumalaw sa labas ng gilid ng ating mga kilatis o husga.
Kaya iyon ang pinili ko.
Kahit alam kong hindi ako gustong kausap, pinipilit ko pa ring batiin at
tanungin kung ano nang ganap. Masakit na mapansing hindi na ako
gustong kasama. Kapag ganito, may dahilan na ako para umiwas, pero pipiliin
kong ituloy lang ang pagkakaibigan na parang masasagip pa ito. Hindi ko
ginagawa iyon dahil sa gusto kong maging hipokrito. Tinitiis ko iyon dahil alam
kong mas maganda ang ibubunga noon kapag tumagal-tagal. Tinitiis ko kasi walang
mawawala sa akin at "worth it" ito, kung ano pa man. Mababasa ko ang
mga pm ng mga kaibigang dating ākaawayā at matutuwa sa mahika
na dinala ng oras at pagti-tyaga.
Madalas, sakit ang bunga ng
paghahanap ng kahulugan sa mga sala-salabat at masalimuot na bagay. Ngunit
pinipili ko pa ring hanapin ang tema rito. Hinahanap ko sya sa mga hindi
pagpapahiwatig at hindi pagpaparamdam. Tinitiis ko ang sakit, niyayakap ko ang
posibilidad na mangyari ang hindi inaasahan dahil alam kong ito ang isang
paraan kung paano mabuhay at manatili sa kasalukuyan.
Comments
Post a Comment