Week 3 Lockdown

Matagal na din siguro nung huli akong nagsulat dito. Madalas sa mga sinusulat ko ngayon ay mga tula na lang. Mahirap na din kasing mag-update. Wala na din akong  masyadong maraming sinasabi tungkol sa mga bagay-bagay.

Maraming oras ngayon, hindi kagaya ng dati, madami ding dahilan kung bakit ako masaya. Di ko na maisa-isa pero masasabi ko pa ring isa sa mga iyon ay ang pag-asa na mas magiging makabuluhan ang lahat ng ito. Gusto kong sabihin na mas dumami na ang alam ko patungkol sa buhay. Wala pa rin.Kung totoo nga, mas maprinsipyo pa ako nung estudyante ako kumpara ngayon.

Di ko alam pero humina ang loob ko sa katagalan. Baka marahil ay takot na din akong magdesisyon para sa sarili ko. Natatakot ako sa mga magiging resulta ng aksyon ko. Natatakot akong di lang ako ang masira ang buhay kundi ang pamilya ko. Ayokong malaman ni Mama na tumatanda akong pabaya at handa akong gawin ang lahat para di na dumating sa kanya iyon. Ang ibig kong sabihin ay handa akong magbago.

Ilang gabi na din akong pagod sa kakaisip kung paano darating ang isang araw na matibay na ang loob ko. Iniisip ko kung paano't paggising ko wala na ang mga dating prinsipyong pinanghahawakan ko. Baka pwede din naman yung biglaang pagbalik ng prinsipyo ko sa buhay.

Ah basta. Susubukan kong magsulat ulit dito, bilang pag-iisip lang. Wala lang. Ge. Sa uulitin.

Comments

Craftdeology said…
Everyone feels the same bro.

Popular Posts