Dahil pati ang sarili ay sinusulatan rin (1/n)


Pangaraw-araw na view habang nagsusulat


Ito ang mga nakaligtaan kong sabihin sa akin ngayong taon o nung nagdaan:

Umaalis nang kusa ang takot sa pagdating ng pagkausisa.

Tumatanda kang walang tinadaan kung sadyang kinakalimutan mong mabuhay nang walang bahala.

Magpatuloy ka at pagmasdang bumibitaw nang marahan ang pangamba.

At sa paglakad mo'y hayaan mong dalhin ka sa kung saan ka kailangan higit sa kung saan mo lang ninanais.

Kung hindti umutugma ngayon, hindi mo kailangang magpahangal. Huwag mong baluktutin ang isipan dahil sa'yong nararamdaman.

May mga bagay na ibinibigay nang kusa kapag hindi mo na pinipilit. At laging mapalad ang naghihintay.

Alam kong libang ka sa mga di mahalaga pero wag mo ding bitawan ang kabuluhan.

Huwag mag-atubiling magsisi at patawarin ang sarili. 

Magbago at magpabago.

Manalig sa bawat oras.

Lagi't-lagi, magmahal.

Comments

Popular Posts