Kislap
Maikli ang mitsa ng mga pailaw,
Kagaya ng kahit anong panimula,
Hindi kailangang malaki ang liyab ,
Mamaya, masasaksihan ng yong matang,
Palito lamang ang makakadonselya.
Sa mga talang tao din ang lumikha.
Sinabi koāy āsana parang isang alab",
Mahina ang bulong, pero parang along
Ang kaya mo lang gawin ay magpatangay,
Hanggang dalhin nya ang āyong lumang sistema.
Sabi ng nanay, ātraydor iyang mga yanā,
Kaya kailanman ay hindi tinatangkang,
Hawakan ang gandang nakakapaso.
Ang mga hangad moāy parang āsang pailaw,
Sige ānak, pagsabayin mo sa āsang kamay,
Nang makita mo kung paano masunog,
Ang balat kasama ng mga pangarap.
Mga pangarap na'di pinagsasabay.
Mga pangarap na'di pinagsasabay.
Comments
Post a Comment