Kape at Mangga, pag pinaghalo; Ano kaya ang lasa?

Eto yung conversation namin nung kapatid ko. Nagbabasa ako ng Its not that Complicated  ni Eros Atalia nang bigla nya akong inabala. Matagal na 'to, tatlong buwan na ata.


***
-Choy, gusto mo ng mangga?

/Hilaw ba yan?

-Oo naman. May bagoong pati akong binili.

/Ayoko ng hilaw e. Maasim.

-Tanga mo talaga e. Mas masarap sa Indian mango yung hilaw.

/E sa hindi nga kaya ng panlasa ko.

-Ayan ang hirap sayo e, sinasanay mo ang sarili mo sa iisang panlasa. Lagi kang si matamis, matamis. E kulang na lang magka-diabetes ka. Yang kape mo, sobrang dami ng asukal. Tapos, mamaya magtatanong ka kung bakit walang epekto yung kape, kung bakit inaantok ka sa halip na magising. Gago talaga.

/At kelan ka pa naging malalim? Kaya ka may dila, kasi para matikman yung masasarap. Yung hindi masarap edi idura.

-Ulol, walang matalinong hindi nagbasa.

/Kanino mo nalaman yan?

-Sa titser ko nung grade four. Pinagbabasa ba naman ako nung pagong at matsing . E naikwento na nung katabi ko yung storya, bakit pa ako magbabasa?

 /Ayan. Tamad. Tsaka anunamang konek? Enggk. Wa konek tol! Bobito e.

-Akala ko ba matalino ka?

/Ikaw nagsabi nyan.

-Diba ayaw mo sa math?

/Oo, kaya nga hindi ako nag-engineer e.

-O one plus one equals?

/Bintana?

 -Hehe. Ano ka bata?

/O edi two, masaya ka na?

-O eto pa, bente ang binigay mo sa drayber, otso lang ang pamasahe, magkano ang sukli?

/Syempre, dose. Mali ka pati, estudyante ako. Syete lang ang pamasahe.

-O kitams, marunong kang mag-ad at subtrak. E kung hindi mo inaral yan edi tatanga-tanga ka pa rin. Hindi porke ayaw mo, hindi mo na kakainin. Hindi lang komiks at tiktik ang babasahin mo, magbabasa ka din ng balita.

/ Nagsalita ang matalino.Magtalip ka na nga lang, hindi yung puro ka kalokohan. Tsaka, bigyan mo yung pusa, baka gusto din ng mangga.

-Ayaw ng pusa sa maasim! Napanood ko sa anima... (naglalakad papuntang kusina)

***

Naisip ko kasi, pangit kaya ng lasa ng manggang hinalo sa kape. Kung sa bagay, hindi ko pa nga naman natitikman. Parang MIlo na hinaluan ng ketsup.

Comments

Popular Posts