Sayo ko lang Sasabihin 'To (1/n)

Marami akong ginagawa ngayon. Hindi pala, marami pala akong pinag-iisipang gawin. Hula ko naranasan mo na din to e. Yun bang marami kang gagawin at dahil parang kapos ka sa oras, nag-iisip ka kung ano ang uunahin. Uunahin mo ba yung pag-aaral o yung pag.......
**hindi ka nga pala nagse-search kung paano maging ambidextrous at nang makapagmulti-task nang napakalupet.** .

Nakakahiya man, matatapos ang kwento sa paghiga sa kama. Matatapos ang kwento sa isang rebolusyon ng mga ideya. Sa ibabaw kasi ng kama nabubuo ang kung anu-anong pag-iisip. Sa ibabaw kasi ng kama, mapapatanong ka kung bakit lagi na lang may nagte-text sayo ng tungkol sa love. Minsan magtataka ka din kung bakit hindi natutuldukan ng tao ang depinisyon ng pag-ibig Love is ganito, love is ganyan, Love is you and me. Ganun ba talaga kakulit ang tao para hindi malamang ang pagibig ay isang simpleng, na ang pag-ibig ay, na ang pag-ibig ay… **wala nga pala akong alam tungkol sa pag-ibig.. Hay naku, siguro kailangan ko na lang pagtiyagaan ang mga text messages at ang mga quotes tungkol sa love at kung paano nga ba tunay na magmahal.

Madali talagang magbago ang isip ko e. Dapat sasabihin ko sa unang sentence kung bakit ako nagsusulat nito. Sige, ngayon ko na lang sasabihin. Anu nga ba? Bakit nga ba? At gumagawa na naman ako ng kalokohan. Wala talaga akong gustong iparating e. Gusto ko lang sabihin na may mga bagay akong sayo ko lang nasasabi at sayo ko lang sasabihin, at yun ang pinagtatawanan ko. Naalala mo pa ba yung mga kwento ko sayo? Marami pang susunod dun.

Teka, dapat gumagawa ako ng Philosophical paper ko imbes na ito e, kaya sasabihin ko na sayo na sayo ko lang sasabihin to. Oo, sayo ko lang ikekwento to. 

Kagaya ng sinabi ko madaling magbago ang isip ko, gabi na pala at sisimulan ko muna ang pagbabasa, saglit lang yun. Kapag natapos yun sasabihin ko na sayo ang kwentong sayo ko lang sasabihin.

Huwag mo na lang isipin kung bakit ako nagsulat nito. Sasasabihin ko din sayo ang dapat sayo ko lang sasabihin.

Huwag mo sana itong ikainis.

Comments

Popular Posts