This is a cheat post

Hindi ko na binabasa ang mga sulat mo. Wala, Pagod lang siguro ako lagi kahit wala namang masyadong ginagawa.

Hindi na ako nag ko-coffee shop. Gastos lang. 

May mga araw na hindi ako nagsasalita, at kung bibilangin, baka kulang pa sa isangdaan ang nasasabi ko sa isang araw. Tanggalin natin yung mga lecture ko sa klase, maririnig mo lang siguro akong magsalita kapag bibili sa tindahan. 

Wala. Pagod lang siguro ako kahit hindi naman masyadong madaldal.

Marami akong plano ngayong taon, pero di ko alam kung magagawa ko ba.

Sabi nila, kelangan kong pumikit habang di pa ako nagte-trienta. Habang wala pang ibang pasanin, mas maganda siguro na ganun ang gawin.

Wala. Tamad lang siguro akong magsulat kahit hindi ko naman siya dalawang linggo na.

Sige. 

Comments

Popular Posts