Kalmado



May mga araw na napupuno ako ng galit at di ko alam kung saan ito nanggagaling. Bilang  hindi naman normally na ganun parang mahirap lang ihandle minsan, at kailangan kong ipagdasal hanggang sa humupa ang emosyon. Naiinis ako sa maliliit na bagay kahit sa utak ko nauunawaan kong wala namang dapat ikainis. Masasabi kong kalmado naman ako madalas, kung hindi kaba, wala namang dominant na emotions ang nafifeel ko -- hanggang sa nitong araw.

Kung galit ba talaga iyon o yamot di ko din maalala, pero masasabi ko lang hindi magaan sa loob ang mga damdamin. Malamang, meron namang pinaghuhugutan iyon. Lagi namang ganun. May mga kinikimkim na hindi maintindihan kaya lumalabas sa ibang bagay. Ganun ko din naman nauunawaan ang iba, kung galit sila,  malamang hindi ako ang dahilan ng galit o at least, hindi ako ang main reason dun. Laging merong bigat na di nila mawari kung paano ipapakawala. Siguro ganun din yung sa akin. May mga problemang, hindi ko hinaharap kaya lumalabas sa ibang bagay.

Hindi ko naman ipinapakita sa iba ang galit ko. Hindi ko naman sinisimangutan si mama o mga kapatid ko sa tuwing ganun. Pero ramdam ko ang pagkainis. Ramdam ko na sobrang nipis lang lagi ng hibla para sumabog. Ayokong nagsasalita nang masasakit kasi hindi ako nag-iisip kung anong mararamdaman ng iba. May mga beses ding ganun. Tapos na ang away pero di na nila malilimutan kung ano ang mga sinabi ko. At wala na din akong magagawa para mabago yun. 

Mahaba pa ang taon.

Marami-rami pa ang kelangang kaharapin. 

Nawa'y nasa tamang lugar ang mga nararamdaman ko bago matapos ang taon.



Photo source: https://economictimes.indiatimes.com/industry/miscellaneous/the-angry-age-a-cycle-of-competitive-outrage-ensures-that-anger-has-an-auto-escalating-quality/articleshow/60703771.cms?from=mdr

Comments

Popular Posts