Quarter-life Crisis

Meron akong quarter-life crisis. Tingin ko lang naman. Di naman clinical ang ganitong uri ng crisis. Parang existential crisis pero mga one-fourth lang ang tindi. (Tigil na, di ka nakakatawa). 

Medyo nagaalangan lang ako sa mga mangyayari. Di ko magawang magfocus sa kung ano ang gusto kong gawin. Di ako makapagfocus sa pagtuturo. Nawala ang passion ko sa pagsusulat ilang taon na. May gusto akong subukan, pero takot akong pumalya.

Ang resulta? Paralysis. Lumilipas ang oras na hindi ako nago-grow o hindi ako masaya. At dahil dun mas nararamdaman kong miserable ako. Ah basta. Alam ko ding hindi na uso ang mga ganitong blog. Di naman ito 2007. Nalulunod na sa content ang mga tao, at parang laging walang oras para magbasa. 



Gayunman, kahit ilang beses kong pinilit tumigil magkwento lagi pa rin akong bumabalik sa maliit na espasyong ito para magpalipas ng oras minsan. Totoo lang. Di naman mapagkakakitaan. Di din naman masyadong pinagtatrabahunan, pero masaya lang. Malay mo diba, kung binabasa mo ito edi meron tayong sikreto. At kung hindi naman masaya iyon ay ewan ko na lang.

Mabalik tayo. 26 years old nako. Nung isang linggo lang. At nung sinimulan ko tong pagsusulat, wala naman talaga akong plano. Tama lang, dahil hanggang ngayon ganun pa din. (eto na naman tayo).  Ganito pa rin ba  sa isang taon? Magsusulat na naman ba ako dito dahil pakiramdam ko ay may kulang? Hindi naman ito issue ng kontento ba ako o hindi. Grateful ako sa meron ako pero merong pakiramdam sa loob ko na parang nasa maling classroom ang pinasukan ko sa buhay, at may natutunan man, meron pa ring need na hindi mahit netong mga aral na napupulot sa nakaraang ilang taon.

Bawat araw na lumilipas, pinagdarasal ko kung ano bang desisyon ang gagawin ko. Anong piyesa ba ang igagalaw? Anong bagay ba ang isasacrifice? Willing ba ako to take the leap? Ah basta ewan.

Sana makatulog ako nang ayos mamaya. 










Comments

Popular Posts