Dahil Tinanong Ka Nila Kung Ano ang Ambag Mo


Photo Source: wallpaperflare


Maaari mong sabihin na binabago mo ang mundo,

Sa sarili mong paraan.

Wala naman talagang nangangarap na baguhin ang mundo, ang meron lang ay ang mga taong binibigay ang lahat para magkaambag. 

Kung isa ka rito, nauunawaan mo na kelangan mong maging responsable sa mga bagay na may kontrol ka. At sa pagiging responsable ay araw-araw kang gumagawa ng paraan para mas maging mahusay

Pinili mo mang maging guro, doktor, artist, o maybahay, may ambag ka.

Isang estudyante, isang anak, isang pamilya ang babaguhin mo at paisa-isa lang ngunit malaki ang magagawa sa pangkalahatan.

Dahil nagdesisyon kang baguhin ang mundo, at iwan ito nang mas maganda kesa nung nadatnan:

Tibayan mo ang loob mo.

Hindi naman ito lumuhod para yakagin kang sumulat hanggang mabaligtad ang hinaharap. Ni hindi ito humiling na kunin mo ang pintura't hibuan ang patlang ng kanyang kalawakan

Ikaw ang hibang na naniwala. At kaya mong maging halimbawa na hangga't mangangahas ay may pupuntahan.

Hindi mo kailangang maging espesyal, katangi-tangi na ang iyong tapang.

Comments

Popular Posts