Hope and Habits

 Alam kong hindi ako nakapagsulat nitong mga nakaraan. 

Maraming mga plano ang dumating. Mas maraming trabaho ang ibinigay sa akin at mas kinakailangan kong magpokus sa ibang bagay.

Gusto kong isulat ang hope nitong mga nakaraan dahil gusto kong i re-echo ang mga bagay na tingin ko ay makakatulong sa lahat. Total nagbabasa ka naman ng blog na ito, syempre may paniniwala ka na mahalaga ang pagsusulat, at pagbabasa. Naniniwala ka din siguro na maaari nating mabago ang buhay natin base sa mga paniniwala natin. At maaari ngang mabago ang paniniwala natin kung may mga bagong perspective o ideya tayong mababasa. O siguro motibasyon at inspirasyon.

Ganoon din ang nangyari sa akin nitong nakaraan. Nagsulat ako ng mga bagay na gusto kong tapusin at ma-accomplish sa unang kalahati ng taon, at ginawan ko iyon ng aksyon. Isa na dito ang kalusugan ko. Kaya nagdesisyon akong mas paigtingin ang ehersisyo at disiplina sa pagkain. Nagsama ako ng ibang tao na magiging accountability partners ko. In short, gumawa ako ng bagong system para masagot na ang problema na matagal ko na ding iniinda. 

Wala pang evident result ngayon, pero darating iyon. Kaya nga, nabago ang mga ipinangako ko nitong mga nakaraan. Sa ngayon ay hinihintay ko lang mag-adjust ang katawan ko sa pagod at masanay sa bagong habits na ito, at maisisingit ko na ulit ang pagsusulat ng naipangako ko. 

Hindi din naman ako tumitigil magsulat. Tinatrabaho ko pa rin ang mga nakabinbin na projects simula nung isang taon. Masasabi kong confident na akong matapos na talaga ito ngayong taon.

So ayun lang, iwanan ko na lang itong tula ko rito na nagpapaalala sa akin ng ultimate hope natin.





Comments

Popular Posts