May Isusulat pa ba ako sa 2022?

POV: 2022 na at kakagising mo lang from Media Noche



Hindi naman sa maganda ang gising ko ngayong umaga, at bigla na lang akong nakaisip magsulat tungkol sa pag-asa. Sa lumang kudyapi na lang daw maririnig ang hope. 



Kaya nga kahit mga Gen Z na makiki-hits ng yosi ayaw dyan sa brand na yan. In short, overrated at outdated ang concept ng hope ngayon. Pangatlong taon na ng pandemya at wala pang bago. Pang-ilang taon na din akong aato na ibalik ang timbang ko kahit nung after graduation ng college. 


Malapit na akong maubusan ng motibasyon at kuda dahil kada taon, parang kinakain ko ang salita ko at lagi akong tumataba. 


 Wala naman akong gustong sabihin ngayon. Warm-up lang tayo. Gusto ko lang sabihin na sa mga susunod na linggo ay magsusulat ako tungkol sa hope. Pagri-research. Pag-iisipan ko ang concept na yan at syempre ilalahad ko kung ano’t sa bandang huli ay nananalig tayong lahat sa magandang bukas. 



Yun lang. Balik workout na ako ah.

Comments

Popular Posts