How can't I remember these?
Sa buhay daw ay may magaling at hindi masyado. May tama sa tyempo at mayroon din namang huli. Minsan nga sa college life ko na-late din ako. Pero pa-cool pa rin syempre hindi ko yata first time ang ma-late. Sa oras na ganito na, tiwala lang pare.
Exam namin sa ENG-2 kinabukasan. Sa takot kong bumagsak edi todo review magdamag. Naalala ko pa ung
added fear factor sa pagrereview nang magdamag sa ancient dormitory ng ATI.
Isang kaluskos lang napapasigaw ako sa pagbabasa ng notes. Sino ba naman kasi
ang hindi matatakot sa dorm na yun.Balita ko ilang taong amag at mga damo lang
ang nakatira dun tapos saka na lang uli ginamit. Tiyak may naiwan pang mga
dating dormers dun (wag naman sana). Anyway, ung gabing yun ang nagpabago
sa buhay UP ko.
Exam day na nga! Bangag lang talaga. Walang tulog eh. Gusto ko din
namang maexperience ung hell day o hell
week (whatever). Kapag batang UP daw kasi minamarkahan ang mga araw na
may sunod -sunod na exams, sigurado sa linggong yun nakasuot sila ng T-shirt na
"HELL WEEK"na may pinta pang zombie. Sabi naman ng ibang Isko wala naman talaga nyang mga hell
day or hell week na yan! Basta, kahit ano pa man, bangag pa rin
ako. At dahil nga sa pagkabangag ko may nalimutan ko yung FRN(fortune record
notebook) notebook na ipinapadala ni sir. Nandito lahat nang notes na pinaghirapan kong sulatin dahil hindi
naman talaga ako nagsusulat ng lecture notes. 11:00 na at 11:30 ung time namin.
Rush kaagad ako sa dorm. Hindi naman yata
sinasadya ni God na paulanin nung time na yon. At dahil
wala ako sa katinuan noon hindi ko naisip na mag-submit na lang nang late para
makapag-exam. Bakit ba kasi ang bobo ko?, ah mali Bakit ba kasi hindi nasakop
ng utak kong yung sitwasyon? Nakabalik ako sa lecture hall nang alas dose wet
and very late at hindi ako makapaniwalang may long exam palang thirty
minutes. Nagtaka tuloy ako kung bakit naka-projector pa ung exam (para daw
sabay-sabay). Bonus Question lang ang naabutan ko. You are too late a
hero sabi nang napakalalim kong professor. Ang masakit pa mali pa ako
sa Bonus Question na iyon.
Para namang its too bad to be true, pero yun ang totoo.
Dahil sobrang humiliated na nga ako. Imagine almost 150 students
na nakatingin sa isang puyog na sisiw. Ang lakas pa nang loob kong pumunta sa
unahan para lang humingi nang isa pang exam. Hindi niya ako pinansin. Iiyak na
san ako eh nang may biglang lumapit sa aking babae at hinawakan ako sa balikat,
siya siguro ung S.A.. Sabi niya mabait daw si sir. Dahil naniniwala ako sa
second chances, pagkatapos ng klase, lumapit ako kay sir at nakiusap pa ng
isang exam. Please see me on Monday sabi nya.
Hindi ko alam may isa pa palang late pwera sa akin. Ako lang ang
nakakuha ng spotlight, dapat ko bang ikasaya yun? Tanong nya ano daw
sabi ni sir? Uulitin ko I believe on second chances. Hay!
Comments
Post a Comment