Inspiradong talipandas

Talipandas...salitang hindi na nabura sa aking isipan mula nang mabasa ko ang blog ng isang kaibigan. I  over-thought for the meaning of this pa nga. Eh para naman kasing sira ung gumamit nito, ipinabasa nya sa akin tapos hindi naman pala kayang sabihin ang kahulugan.


Sino ba naman kasi ang tanga na hindi mag-search sa  malawak na internet para sa isang salita na hindi nya maunawaan. Wala eh, nagbaka-sakali din naman ako na mababatid  ng munti kong kaisipan ang salita sa pamamagitan ng paggunam-gunam dito nang ilang minuto  lamang (ang lalim din pala..). Dahil nga boring ang pagiging ignorante (ayon yan sa "national geographic") hinanap ko din naman ang ibig-sabihin nito. Sobrang daming lumabas at parang ako na lang yata ang pilipinong hindi alam ang salitang ito. Sa sobrang dami nang lumabas hindi ko alam ang totoo at nag-assume na lang akong may totoo dito


Taksil ang pinili ko. Naalala ko ang sabi nang kaibigan ko na huwag ipagkalat ang link ng blog niya. Ang blog niyang walang nakalagay kundi ang istorya ng pag-ibig niya. Hindi ko nga man lang alam kung lalaki ba o babae yung tinutukoy nung inspiradong blogger na iyon. Tapos sinabi nya sa akin kasi siguro hindi na sya makatiis na hindi ikwento iyon. Ako pa ang kinwetuhan nya eh,palakwento yata ako.


Naalala ko nga nung grade six kami, ikinwento nya sa akin kung sino ang crush niya. Eh nung nagkataon na may folk dance kami naging mag-partner sila. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na i-cheer siya, dun na tuloy nalaman nang buong klase ang totoo (siguro ung nasa c.r. lang hindi nakaalam). talipandas nga siguro ako.

Tapos ang lovelife na naman niya ngayon... napakakulay at sa sobrang tingkad ay hindi na nya nalaman na natakpan na nito ang katotohanan na siya ay lumalampas na sa purok nang naturalidad at napadpad na sa lugar kung saan yung mga inspiradong tao na lamang sa pag-ibig ang makakaunawa at hindi ang isang inspiradong talipandas kagaya ko na walang magawa kundi ikwento ang mga narinig nya.

isang patunay ang tekstong ito sa pagiging talipandas ko, gusto ko sanang isama ang pangalan nung taong malaki ang contribution dito sa pagpapakilala sa salitang "talipandas" ngunit magbubunga lang ito nang mas malaking katalipandasan.


Comments

Popular Posts