Obra sa putol-putol na Linya

Hindi ko naman sinasadyang i-search ang pangalan ko sa google (baka sakali kasing sikat na ako, hindi  ko pa alam, hehe..). As expected UPCAT results ang lalabas. Bakit pa kasi nag-assume ako na may iba pang nakalagay eh hindi naman talaga ako ganuon kasikat. Wala din naman akong ginawang kakaiba. I've always run after fame pero sadyang mabilis sya at hindi ko maabutan. Full speed and yet she's far behind.

.

Sa pag-iscroll ko pababa nagulat ako nang nakita ko ang pangalang katunog nung sa akin. Kahit middle initial ba naman katulad !  Mas nakakagulat pala kung lalabas na lamang ang pangalan mo sa internet na hindi mo alam ang dahilan. Isang blog ang nakaugnay dito, tekstong bopis nakapangalan kay dennis (isang taong hindi ko matiyak kung sino). Agad kong hinanap ang iba pang pangalang nauuugnay sa teksto at natuklasan na kapwa estudyante sila ng UPLB. Inisip ko ung roommate kong dennis din ang pangalan, mukhang makata din naman  sya (bilib nga ako dun eh). Ngunit hindi sya iyon.


Inisip ko ang taong nagngangalang dennis at hindi ko na maiisip ang ibang tao pwera sa humanities teacher kong dennis ang pangalan  na kahit minsan ay hindi ko man lamang pinagtaasan ng kamay para mag-recite kasi nga hindi ako ganun katapang para ipahayag ang aking nararamdaman sa harap nang mga taong sa isip ko ay babalewalain lang ang mga ideyang nanggaling sa isang taong hindi ganun katalino para makagawa nang mga ideya na kanilang kabibiliban kasi nga ang mga sinasabi naman nya ay kadalasang wala namang katuturan (napakahaba ngunit wala ding katuturan as I've mentioned ). Tiningnan ko ang mga tula na sinabing kasama daw ako sa paggawa. "ni sa panaginip ko'y hindi ko man lamang makapanayam". Walang duda sa akin nga ang linya. Nakakagulat na ginamit ang aking linya kasama ng mga linya nang ibang piling estudyante para makabuo ng obra. Hindi ba napakasaya nun isang guro na nakita ang kagandahan ng linyang hindi ko naman akalain na may katuturan pala. Salamat kay sir at nabuksan ang kamalayan ko sa paggawa ng bagong bagay.


Nagkaroon ako nang tapang at pinagisipan ang sinabi nang kaibigan ko na gumawa ako ng blog.Obra! ito na yun wala nang iba.  ang unang teksto na ni sa panaginip ko hindi man lamang naisip  na lalabas sa mundo nang realidad.

Comments

Anonymous said…
hindi na masama.

Popular Posts