Kwento sa Saliw ng Gitara
Ang oras ay tumatakbo at wala akong magawa para pigilan ito.
Ayan na naman siya (kaasar).
Sobra akong natuwa nang umarte ang isang artista na siya ay
umaarte. Gayon din naman nang magsulat ang isang manunulat tungkol sa kanyang
mga naisulat ( hindi ako fan niya). Naisip ko lang kailan ba tatamarin ang
isang tamad na maging tamad (kagaya ko)?
Puro tanong ang buhay. Gaano
ba kahalaga sayo ang mga bituin?
Puro na lang tanong na hindi kayang
masagot dahil hindi matantsa nang buo. Walang
absolute. Salitang hindi kayang tapatan kung ano ang katotohanan.
Ginamit ko ang oras sa pagbabasa. Pagdadagdag ng mga
kaalaman na kung hindi man tumagal sa isipan masasabi kong sila ay bumisita
naman. Natapos kong basahin ang isang libro at nagtaka kung bakit hindi lahat ay aking naalala. Naglaro ng
pinoy henyo. Siya ang tagahula at kami ang taga-oo. Nasabi kong taga-oo kasi:
Edible?
OO
Banana?
OOOh!!!
Napatanong ako kapag edible ba, banana na kaagad? Siguro.
Ang pinakamababait na tao daw ay yung taong nasa jeep. Next line.
Nang umuwi, nakita ang isang kaibigan. Sadya akong pumunta
sa kanilang bahay. Gitara. Ang bilis ng kamay
niya sayang hindi niya kaya ang
isa sa paborito kong harmonya. Tinanong ko kung ano na, kamusta. Kagaya ng
inaasahan, maraming salita. Kami ay
nagkwentuhan. This time totoo nang kwentuhan at hindi storytelling. Tungkol sa
mga bagay na kami lang ang nagkakaintindihan (huwag mong bigyan ng kulay).
Tungkol sa mga bagay na ni isa sa aking kakilala hindi pa nagawang italakay. Sa
kanya lang talaga. May pagkakatulad kami sabi ko. Pero hindi kumbinsido nang
masilayan ang mukha, parang malayo yata?
Sinubukang puntahan ang ilang kaibigan, ang isa nilalagnat
at yung iba ay hindi makita. Naglakad hanggang masalubong ang isang
kakilala(babae siya). Isang ngiti hindi ko nakita sa kanya. Bat ganun?
Bumili siya, sabi ko dalawa na. Samahan pa ng limang
sitsirya.
Nagulat nang mapansing kumakanta na (alam na).
Nilinaw ang mga bagay. Hindi mo daw kasi binabasa ang nobela
habang ginagawa pa. Binabasa mo ito kapag isa na itong obra dahil ito ay tapos
na. Nilinaw kung bakit siya gumawa ng
blog tungkol sa babaeng mahal niya at
salamat mahal din daw naman siya (do not ask for the link). Nakita ko tuloy
ang pagkakaiba nila ni Mr. Star. Hindi daw kasi naakit sa kinang yung babae
kaya tawag niya yung mahal kong hindi ako
mahal. Yung mahal niyang hindi siya mahal
na hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala.
Sagot niya, Expression kagaya nito. Salitang hindi
kailan man maiintindihan ng taong hindi expressive na ang tingin sa mga bagay
na ganito ay purong kabaklaan lamang. Napansin ko sa usapan na parehong may
punto. Ang writer kasi kailangan ng reader bukod sa kanyang sarili. Iba ang
pakiramdam kapag nababasa ang kanyang gawa. Hindi siya gumawa para sa purong expression lang kundi sa intensyon na
may makabasa nito. Kaya ko hinihikayat ang kakilala na magbasa. Hindi man
maganda ang mga obra, siguro naman maiintindihan nila (kasama ka na nagbabasa
nito). Nagtanong pa ako, at napagtanto na kapag kasama mo nga pala yung
kaibigan mo hindi matatapos ang kwento (kagaya ng sinabi ni Mr. Star). Ang dami
nang napag-usapan ngunit para pa ring kulang. Sobrang bagal ng oras. Kumakanta
pa rin at alam na ang ibig-sabihin.
Nang tumigil na sa pagkanta, ako ay umuwi na.
Comments
Post a Comment