Secret_lang_ha:recommended.c
@regikottaticritictic (do not attempt
to unlock. Fatal!!)
Imahinasyon.
Bakit siya makapangyarihan?
Hindi naman ako nasobrahan sa panunuod
ng The Secret. Anim na taon
na ang nakalilipas. Hindi ko malimutan noon kung paano nila
pinaglaruan ang isipan ko sa pagsasabi na ang lahat ng bagay ay
posible basta isipin mo. Para sa medyo paniwalaing bata ang mga
napapanuod niya ay sobrang nakakaapekto sa kanya. Kagaya na lang ng
pangarap niya na magkaroon ng special powers tulad na lang ng
pagiging invisible-para na rin hindi siya kita habang binobosohan
ang crush niya (hindi ako yan!!).
Napatunayang
naging makakalimutin nang malimutan ang isang element sa periodic
table(kunwari geek ako). Nagkunwari akong matalino, nag-share ng mga
bagay na wala namang basehan kundi ang isang salitang-faith.Oo,
pananalig. Bilib ako sa nakaimbento ng salitang yan, kasi nagawa
niyang lusutan yung mga tanong ng mga nagkukunwaring matalino tungkol
sa mga bagay na ni-isa sa ating nabubuhay sa kasalukuyan ay walang
nakakaalam. Nagawa niyang bigyan ng dahilan ang tao na maniwala sa
mga bagay na hindi nakikita(isa na ako dyan). Paano kung wala yang
salitang yan? Diyan na lalabas ang paggamit ng imahinasyon.
Kunwari
gabi at wala kang ibang kasama pwera sa multong nakiki-sneak sa
inyong bahay.
Patayin
mo na rin muna yung cute mong aso para walang maingay.
Kumuha
ka ng isang box, kahit saan kahit sa imahinasyon mo lang, basta yung
box na kaya mong pasukan at kaya kang ikulong sa loob.
Lagyan
ito ng pangalan sa labas, siguraduhing buo pati middle name para
walang labuan.
Isama
mo yung box papuntang kwarto.
Patayin
mo yung ilaw at magkulong sa box.
Ingatan
mo ang sarili sa pagpasok at huwag akong sisihin kapag natumba ka.
Sa
loob ng box mag-isip ng nakakalungkot na pangyayari (kagaya ng
pagkamatay ng cute mong aso).
Mag-isip
hanggang napapaiyak na.
I-play
mo na rin
ang kiss the rain ni
yiruma para touchy talaga.
Isulat
lahat ng mga bagay na ginagawa mong sa tingin mo ay mali.
Kagaya
ng pangangarap na maging invisible para mabosohan ang crush mo.
Kung
wala kang naisulat, nagsisinungaling ka. O talagang wala kang
konsensya. O malakas na ang imahinasyon mong mag-isip na hindi ka
kailan man nakagawa ng pagkakamali.
Umiyak
ka kung kinakailangan sa pagsisisi sa mga ginagawa mo.
Lumabas
ka sa box (pawisan ka dapat para makakatotohanan).
Magpunas
ng luha kung tunay kang nagsisi.
Sunugin
ang box kasama ng mga marurumi mong imahinasyon. Isama mo na din
itong walang kwenta kong mga suhestyon.
Tanggapin
si Hesus bilang iyong lord and savior.
HIndi
kita pinipilit hinihikayat lang kita, kung ayaw ay isipin kung sino
ang lumikha ng pinakamaliit na bagay na pinagmulan ng buhay.
Ang
pagtanggap sa kanya ay ang pagtanggap sa lumikha nito.
Kung atheist ka, wala tayong dapat pagtalunan
Igalang na lang natin ang sari-sariling pinaniniwalaan.
Nagmumukha na ba akong nagsesermon?
Igalang na lang natin ang sari-sariling pinaniniwalaan.
Nagmumukha na ba akong nagsesermon?
Kung
gayon ay kumawala na sa dimensyong ako ang lumikha.
Kanina
habang naliligo ako naisip kong paano kung biglang mawalan ng tubig
habang may sabon pa ako sa ulo. Naisip ko yun kaya nagmadali akong
magbanlaw. Hindi ko pa nababanlawan yung pangalwa kong ulo nang
mawalan ng tubig ang shower. Binuksan ko ang gripo at doon ko na siya
binanlawan. Ilang segundo pa nang nawala nang tuluyan ang tubig.
Kawawa naman yung nasa isang cubicle na masayang kumakanta habang
nagsasabon ng kanyang mukha (dapat pala nagpaturo ako kung paano
kumanta habang nagsasabon ng mukha, sayang!).
Minsan
nagkakatotoo din pala yung mga iniisip mo, tama ba yung the
secret?
Paalala:
āHUWAG
MAG-ISIP NANG MASAMA, NAKABUBULAG!ā
Comments
Post a Comment