Parke


Pambihira,
Bihirang mangyari yan,
Bihirang magising ng maaga;
Pumasok ng maaga;
Maghintay para sa klase;
Kadalasan kasing huli,
At bihira na ngang sipagin,
Si titser hindi pa dumating,

Pambihira,
Tumambay sa parke;
Nakita ang statwa,
Lilok na hindi dinamitan,
Ng iskultor na may kalaliman,
Bakit siya nakatingala?
Bakit hindi nakadapa?
Puro ka tanong, pambihira!

Pambihira,
Titi'y nakalabas,
Walang hiyang mababakas,
Sa isang eskuturang hindi ginawa,
Para titigan lamang ng mata,
Sakripisyo sa bayan,
Paano nga ba magagampanan?

Pambihira,
Bihirang mangyari yan,
Bihirang mag-isip,
Bihirang magsulat ng tula,
Bihirang may makatabing makata,
Bihirang magpilit ng salita,
Bihira kung iisipin,
Ngunit lahat ay nangyari pa rin.

Comments

Popular Posts