ABSOCialization
Iām so
tired na talaga, you know , pagod. Like cannot make isip matino, like I cannot
make gawa all the things needed to be done. Like I donāt want to continue na coz baka maisara ko na
ang lid at magsuka na lang sa pagkaaduwa. Ang bilis magbago ng mood di ba?
Hindi
mo nga kasi kayang tantsahin ang pag-iisip ng iba, mapa-kakilala, kaibigan at lalung-lalo na
yung kaibigan mong hindi ka pala kaibigan. Minsan magtataka ka kung ano ang
nagpahirap sa pagtulak ng cursor sa āConfirm buttonā, kakilala ka naman,
binabati ka naman, nakakausap mo naman(kahit sobrang madalang), bakit ba naman?
one,
four, three, one, four, nine, fourteenā¦
ā¦one? four? two? three? Hindi kagaya ng 1,2,3,5,8ā¦ ,walang malinaw
na pattern kundi ang simpleng pagkaka-pareho ng porma. Hindi ko din naman
inaasahan. Walang pinaghuhugutan? Imposible. Lahat ng bagay ay may pinaghuhugutan,
mula sa simpleng pagngiti sa tuwing matutulala at sa mga birong kunwari walang
pinatatamaan.
āMagkwento
ka naman..sige na..ā
Meron
akong kakilala, malapit nang maging kaibigan, yun eh kung medyo tatagal pa ang
usapan. Nabubuo ko ito, sa paputol-putol na paghihintay sa bawat reply niya.
Hindi nga pala talaga mahirap makipag-usap sa mga babae. Hindi nga pala sila
nagagagalit kaagad kapag may nasasabi kang sa tingin mo ay mali(hindi nga ba?).
Kailangan mo lang munang magdala ng isang bala para masimulan ang usapan. Isang
bala na makakapagpatumba sa nagbabantang katahimikan (awkward moments). Gusto
ko sanang magsulat tungkol sa kanya, pero hindi niya gusto ang ideya. At dahil
ayokong magalit siya( lalung-lalo na ngayon mainit ang issue tungkol sa
cybercrime.), respeto na lang. Bago ko siyang kakilala, ipinakilala ng isa pang
kakilala. Bago, ngunit mas matagal na kinakausap kaysa sa datihang kasama.
Medyo palabiro pala siya at hanggang doon na lang ang description tungkol sa
kanya. Hanggang doon na lang talaga. Baka magalit siya. At hindi na din ako
magpapangalan kagaya ng nakasanayan.
Lately,
pinilit kong makipag-usap sa mga girls, small talk lang. Small talks build-up
long conversation nga daw kasi. Aminado akong mangmang, ignorante , tanga ako sa
ganyang mga bagay. Kinakain na lang ako ng mga pilosopiya ko, inaamag na lamang
ang mga payo at kaalamang nakuha mula sa kaibigan eh wala pa ring pagkatuto. Walang
application, puro kabaklaan ang pinaiiral (sana hindi discriminating ang dating
ng ākabaklaanā. Sana lang talaga ).
I am gay(how
sexist naman!).Kagaya ng sinabi ng kaibigan tungkol sa mga inasal ko at sa mga rason
ko kung paano makisama sa mga girls. Gay; kahit parang inappropriate. Hindi
hamak naman kasi na mas matapang ang mga gay kung āsosyalanā ang pinag-uusapan.
Mas matapang sa pagpapakita kung ano ang nararamdaman. Ang pagladlad sa
mapanghusgang lipunan eh wala daw halong
biro. Hindi ko kasi alam ang mga sentiments ng mga gay.
Almost 450 messages sent, ilang oras nga ba
ang kinailangan? Small talks, long conversation. Parte-parte ang bawat
pag-uusap, napag-iisipan ang bawat reply, at hindi ko masasabing ang pag-uusap
ay dumaloy ng natural. āKapag kausap mo ang kaibigan mo, hindi kayo mauubusan
ng salita.ā Kung ganun ang pagbabatayan, masasabi kong magkaibigan na nga kami.
Pero ang pag-uusap ay limitado, hindi mo kita kung banas na banas na ang kausap mo at gusto ka nang sigawan. Ang emosyon ay pwedeng madaya, at ang tono ng
pananalita ay kinakapa batay sa smiley at sa mga karakter na pinagsama-sama.
Tulog
na siya.Hindi ko maisip kung paano tumagal ang usapan. Higit ang
pagkakakilala niya sa akin, kaysa ako sa kanya. Nakakatuwa na sa pagtatapos ng
pag-uusap ay ang pagtatapos nitong panibagong lathala.
Magandang umaga.
Comments
Post a Comment