Huwad na Pilantropo
Gaano kasakit yun?
Minsan, sinagot ko ang ganyang klase ng tanong at napahiya
ako nang malamang rhetorical pala yun.
Ginawa yung tanong para daw tumahimik ka muna at mag-isip ng
bagong topic.
Kaya kung tanungin ka bigla, huwag ka basta-basta sasagot
(lalo na kung chick(s) ka!). Huwag basta OO at huwag laging ipakita ang
kabobohan sa pagsagot parati ng EWAN, HINDI KO ALAM.
ā KATAHIMIKAN!!!ā Ayan na! Isinisigaw ko na ang dapat mong
isagot sa ganyang tanong. At tandaan mo na ang katahimikan ay maraming
kahulugan, hindi basta OO at hindi basta tahimik ka na lang kasi yung tanong hindi mo naintindihan, hindi din
nangangahulugan na hindi ka pa nag-toothbrush kaya tahimik ka na lang.
Sabi nga ng isang malalim na propesor kong sinigawan ako nang sabihing thiry-three! at hindi terti-tri!, ang katahimikan daw ay
binuntis ng maraming kahulugan at kahit malabong mangyari, marami din daw ang kalalabsan, marami daw ang sanggol na
lalabas sa isang malalim na irihan.
Matagal-tagal na pala nang huling makinig sa kanta nila.
Matagal-tagal na din nang gahasain ang replay button para lamang ang mga linya
ay makabisa. Hindi kagaya ko, natural lang ang linya nila, walang pinilit. Hindi
din pinilit maging natural, natural lang talaga. Nangyari daw sa totoong buhay
yung mga ginawa nilang kanta, ligawan, love-story,at break-up pwera sa suicide.
Hindi daw talaga nangyari yung suicide ni Buloy. Nasa video pa nga daw sya ng
kanta. Pero pinasinungalingan ito ni Buloy nang totohanin ang pagpapakamatay
matapos ilabas ang kanta. Ganoon ba ang pagpapahalaga ni Buloy sa pagpapanatili
ng makakatotohanang linya ng banda kaya ganun ang ginawa niya?
Buloy, hindi ko alam kung totoo, pero kung totoo nga,totoo
talaga to walang kasinungalingan. Bakit mo daw ba tinotoo ang pagpapakamatay?
Napansin mo daw bang galit na ang banda sayo nang ilagay nila sa lyrics na ikay nagpakamatay na?
Ang tanong ko ay rhetorical, Buloy!, RHETORICAL! Hindi ko
kailangan ang kasagutan mo Buloy. Tahimik ka lang dyan. Ayokong malaglag bigla
sa upuan ko kapag narinig ko ang boses mo.
Magsusulat ako ng isang kwento tungkol kay [enter your name
here],. Huwag na pala, pwede namang Mechra na lang yung gawin kong pangalan. Isipin
mo munang hindi ikaw si Mechra , dahil
ang pagtatapos ng kabanata ay ang pagtatapos din ng buhay ni Mechra. Si Mechra
nga pala ay isang hokage na ibinuwis ang kanyang buhay para sa kanyang
nasasakupan. Huwag mo ding baligtarin ang salitang Mechra! Huwag na huwag! Baka
kasi maisip mong kakilala mo si Mechra, huwag mo ding iisiping si Mechra ay ang
binaligtad mong pangalan.
Ayaw kong maging totoo ang kwento ng isang hokageng
nagpakamatay para sa kanyang bayan, baka ako pa ang mauna.
Huwag naman sana.
Comments
Post a Comment