Kulinary


Ang kwento ay nagliyab marahil sa apoy na hindi natugnaw nang minsang uminom ng flaming lamborghini. Hindi ko pala natantsa ang apoy, maling-mali ako. Maling-mali kaiba sa kaalaman kong hindi pa kita kilala.

Oi, sabi nila masaya ka daw kasama.

 Sabi ko naman kahawig mo si lala. Sabi ko kahawig mo siya pero wala na din palang saysay kasi alam mo na pala.Ayokong inihahawig ako sa iba ngunit nagbaka-sakali na ikaw ay hindi ako, kasi walang ibang salitang magawa para sabihin ko kung sino ka. Hindi kasi ako yung may alam kung gaano ka kalakas tumawa at kung gaano mo napapasaya ang iba. Hindi ko alam kung pala-joketime ka o puro ngiti lang pala. Hindi ko kasi masabing masayahin ka sa paggamit ng isang puntong sa mga litrato mukhang parati kang masaya.

 Isinulat ko ito bilang pasasalamat .Wala na kasing gising ngayon. Pagod na sa paghahanda para sa kaarawan mo. Ikaw ang bida sa kanila. Ganun ka ka-espesyal. At uunahan na kita sa pagsasabing hindi satire yan; katulad ngayon  sa pagsasabi kong maganda ka. Marahil bunsod lang ang lahat ng isang recollection. Katuwaan nang minsang pagbati mo saken sa pangalang ang mga matagal na kakilala lang ang sumasambit, boss. May bonus pang ngiti. Hindi ko alam ang pangalan mo nun, kaya laking gulat ang nilikha mo. Parang isang flaming Lamborghini , nakakatakot dahil apoy ang nangingibabaw, pero kapag ininom mo nang mabilisan cool pala sa lalamunan. Cool pala , parang ikaw ‘Cool’een, este Coleen.

Ang sulat ay hindi isang liham na ibinibigay kasi birthday mo lang, lalung-lalo nang hindi isang liham na ibinibigay ng isang matikas sa kanyang hinahangaan. Para diretso,hindi ito isang love letter. Bakit ba ito ginagawa ? Dahil ba sa isang maliit na kandilang itinarak sa tsokolateng naka-ugnay sa katandaan? O dahil ba sa ginamit kong suklay na ang may-ari ay hindi ako? Dahil kaya sa keyk na kinain naming pangalan mo ang nakasentro? O dahil trending lang ang pangalan mo sa araw na 'to?

Buong araw ikaw ang pinag-uusapan. Hanggang kaninang alas-dos kung saan patulog palamang sila. Malamig. At baka maging mas malamig pa. Wala na akong oras para pumunta pa. At baka ang listahan kong “Sino ba si Cooleen?” ay hindi na madagdagan pwera sa : number one na” COLEEN ANG PANGALAN NIYA AT HINDI COOLEEN” at sa   ikalawa at huling numero na “COOL SI COLEEN, COOL TALAGA”.

Sandamakmak na kahulugan ang tumatakbo sa isip mo. Ihinto mo na yan. Walang pupuntahan yan.

Mahilig nga pala akong magsulat. At ang sulat ay basta tungkol at maaaring hindi para sa kung kanino mang tao.

Comments

Uulitin ko lang ha. Mahilig akong magsulat at ang sulat ay tungkol kay at hindi para kay. Nung nagtanong ang isang bagitong manunulat kung sino ba ang pinaglalaanan niya ng oras, bukod kina papel, lapis ,ballpen, keyboard o monitor at saka ni kaunting inspirasyon nung araw na iyon, nakagawa siya ng kwento. Yung nasa itaas ay kwentong nagmula sa pagtatanong kung bakit kailangang gising pa siya ng 5am at matiyagang nagpapalalim ng eyebags. Hindi pa nga niya alam ang spelling ng pangalan nung bida kaya natuwa siya. Hindi siya mahilig sa kaartehan at pwedeng sabihing "HBD" na lang at walang ibang gawin. Konting sundot ng inspirasyon ang dumating bago matulog ang isang kaibigan, kaya hindi niya ito pinalampas.

Popular Posts