Cancer
Kasama ang isang kaibigan, sinabi
mo,
Tatlong buwan na lang at paalam na,
Hindi kaagad naniwala, kasi buhay
ang nakasalang,
buhay na iisa at tangi, yaong hindi
binibiro ang katapusan.
Hindi mo yan nakasanayan, magkwento,
Lalo na ng malungkot, mapait na
pagtatapos.
Una sa pandinig, nagudyok ng pagkagulat.
Napasandal sa tiwala, walang halo ng
pagdududa.
Basang mga matang hindi pinatutuluan ng luha,
Itinitira para sa kasarian, huwad
na nararamdaman.
At siyang totoo, hindi takot
magpakita ng emosyon,
Nakapagbunyag ng kasinungalingan,
nakapagsara ng telon.
Sabi ko: Magaling na artista, epektibong drama.
Nalaro ang emosyon, walang malay na
biktima,
Magaling na produksyon, lahat ay
unang kuha.
Sa pagbitaw ng huling linya, sanaāy
di na maulit pa.
Comments
Post a Comment