Rush



 Sampung minuto para matapos
                       Ideyang mas mabilis sa koneksyon
      Rentang libre alang-alang sa pagkakaibigan
Walang pagod  ang pangangarap
At hindi din laging kasama ka.
   Huwag kang mahiya,
              Putaheng nakakabusog ;
                           Kahit medyo may kalamigan.
     Sabik sa pagyayabang
                Sabik sa pakikinig
Pag-asang pinutol kaagad,
       Nang minsang nagkatitigan.
Sa inspirasyon daw sya nabubuhay
      Sabi ko nga, syanga, syanga.
Naging lullaby ang metal',
                Hindi pa umiinit ang apoy
                Pag-ibig na hindi na nalagyan ng finishing touch
Hindi man lamang hinayaang magliyab;
Nagmamadali?
   May exam pa kasi, trenta minutos na lang.
      Batilaw ang pagkakaluto,
              Matigas pa, kailangang patagal-tagalin.
Takot na ngang magtanong, pero binastos kaagad
           Kitang-kita kahit pikit
 Damahin ang pagkagutom.
Itim sa ilalim ng mga mata,
    Feelingera, assumera, lahat na, sabi niya
Mas okay yan, friends naman tayo diba?
   Inspirasyong nahugot mula sa Alitaptap
               

Comments

Popular Posts