Meet Ms. Anononymous :)
Siya si Ms. Anonymous.
Isang kakilala, sige na nga, kaibigan, na biglang
nakisangkot sa isang eksena ng aking buhay. Nakilala ko siya nang minsang
tumambay sa apartment ng dati kong schoolmate. Mukhang mataray (mukha nga lang
ba?), pero mabait daw naman.
/*
“Boss, meet ****”
Hi Boss!.
Hello ****!
*/
Sabi niya mas gusto daw niya akong tinatawag na Clark. Ewan ko, cool ba kung Clark?
At natawa na lang ako nang hindi niya yun napanindigan. Kesho, lahat daw
eh Boss ang tawag saken at
kesho may pinsan daw siyang Clark din
ang pangalan. Nice try, sabi ko.
Curly yung buhok niya. Distinguishing feature nya yun. At gusto ko yung pagka-curl ng buhok niya.
Tamang-tama lang naisip ko rin, mukha siyang matalino sa ganung ayos ng buhok. Kung medyo retro ang theme, pagsuotin mo siya
ng cat’s eye-glasses, hindi na kailangan
ng maraming kieme, sakto na ang outfit, mukha na siyang librarian. Yung
librarian na kinakatakutan ng mga madaldal na estudyante, at dahil hindi ako
madaldal, hindi ako nasindak sa kanya.
Na-aastigan siya sa tagalog,
cool daw ang mga letters and what. At dahil mahilig din daw siyang magbasa, tinanong
ko kung nagbabasa siya ng mga libro ng mga Filipino authors, nina Lualhati Bautista, Eros Atalia, Vlad
Gonzales, F. Sionil Jose o kaya
ay ni Bob Ong. “Hindi ko pa na-try eh.”,
sabi niya. Mukhang kina pareng Stephen Chbosky, James Patterson at kumareng
J.K Rowling lang ang binanasa niya eh.
Hindi din daw niya maintindihan ang mga entry ko, masyado
daw makata. Dapat ko bang ikatuwa yon? Sa pagkakaalala ko sa isang libro ni Paolo
Coelho, Like a Flowing River, dineskrayb niya ang isang writer noong 60’s
bilang: “malalim; mas natutuwa kung hindi maintindihan ang mga isinulat; may
malawak na bokabularyo- ang karaniwang tao daw ay may 3000 sa bokabularyo at
ang 3000 daw na iyon ay hindi na nakalagay sa 18,000 na mayroon sa isang writer
noong 60’s”. Kung ikukumpara ko ang sarili
ko bilang isang writer noong 60’s siguro papuri na nga ang lahat na iyon dahil
kahit wala akong bokabularyo na sasapat sa mga wrter noon, hindi pa rin niya
naintindihan ang isinulat ko.
Sa kabila ng mga description ko, malaki ang pasasalamat ko
sa kanya. Itinuturing ko siyang guru. Malaki ang naitulong niya sa
pag-socialize ko sa iba, lalu na sa mga girls. Be confident, be bold, be you, hindi nya sinabi yan. Walang particular line
ang binanggit niya para i-motivate ako. Approachable siya, may pagka-bully lang
minsan. Pero kung hindi siya nag-reply sa mga messages ko, kung in-ignore nya lang lahat ng kakulitan
ko, baka ganun pa rin ang tingin ko sa mga babae; mahirap kausap, nakakatakot,
oo hindi nangangain, pero madaling magalit, at ang isang malaking “AWKWARD” ang kadikit.
“Awkward Boss”, sabi ni anj.
Kerribels lang J.
Kahit ganun ang umpisa, ayokong awkward hanggang dulo. Sayang ang libreng sessions na offer
ng aking guru kung parating ganun. Magtanong ka lang. Maging tao ka lang. Kwento
ka lang, wag nga lang masyadong matabil ha.
Sa puntong ito alam kong medyo salubong na ang kilay
ni Ms. Anonymous. At baka hindi na din niya ako pansinin. Hanggang dito
na lang siguro ang kwentong ito.
Out na ko. Hanggang
sa susunod na kwentuhang kadalasang puro smiley lang naman. J)))))
Comments
Post a Comment