Bakit Kelangan ng Kape sa Umaga?
Isang umaga nagising ka, ang kape ay nakalagay sa lamesa.
Katabi nito ang creamer at ang nakabukas na lalagyan ng asukal. Nilalanggam.
Binuhat mo ang thermos, medyo mabigat. Kinuha mo ang kutsarita kasama ang isang
tasa. Oo Nagtimpla ka.
Pinagmamasdan mo ang usok na tumataas mula sa maiinit na
tasa ng kape. Ilalapit mo ang pang-amoy.
Hmm!! Sarap ng aroma!! Sa pagkasabik ay magmamadali ka sa paghigop kaya
mapapaso ka. Tama! parang pag-ibig! Pag-ibig na maaaring iugnay sa lahat. Pag-ibig
na parang ikaw, ako, parang isang alagad ng sining, isang litrato, droga: marijuana,
shabu at heroine. Just like a coffee in
your mouth: where bitter and sweet perfectly sojourn. (Ayie! Ingles yan!)
Hihigop ka sa pangalawang pagkakataon. Pero bago pa man makarating ang kape sa
lalamunan ay idudura mo ito agad dahil ayaw mong lunukin ang kapeng may
kahalong langgam. Hahaluin mo ang kape para masalok palayo ang mga guyam.
Nakadekwatro. Malaya. Ininom mo ang kape, Syete!! ang
tabang!!. Lalagyan mo pa sana ng asukal pero dahil naisip mong mahirap
maghirang ng mga langgam, tiniis mo na lang.(Woops! Tama na sa pagpapaliwanag
kung paano naging kaugnay ng pag-ibig yan!.) Mag-eextend ka sa pananaginip.
***
Nanaginip ako kagabi, ako daw si Li Min Ho (gwapo naman!!). Pero
sa halip na ikatuwa ko,( dahil gwapo at sikat nga ako), pinagsisihan ko ito.
Bakit? City Hunter kasi ang tema. Hinahabol ako ng mga yakuza. (Diba sa Japan
yun?) Basta, yakuza yung mga yun alam ko. Pa-cool kasi, wala akong kasamang tropa.
Mag-isa ko lang lalabanan ang mga balbasarado, at pormadong goons na naka-tux
at shades. Kinalabit ko ang gatilyo ng handgun ko. Potek! Props lang! Pellet
gun! Wala pang bala.
Tumakbo ulit ako, nakarating ako sa France. Nagpa-picture sa
Eiffel Tower kasama ang magaganda at seksing dalaga. Bibigyan ko sana silang
lahat ng autograph, baby, tinedyer, senior citizens, lahat sila, pero
napatanong ako. Sikat nga ba si Li Min Ho sa France? Doon ko na naalalang
hinahabol ako ng mga yakuza. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla ngang lumitaw
ang mga goons sa kung saan. Sampung metro pa ang layo nila kaya nakatakbo at
nakalayo pa ako. Umabot ang habulan sa US, kasapakat na nila ang CIA. Napagod
na ako sa katatakbo, kaya nakatulog ako. Salamat hindi ako nanaginip sa
panaginip ko. Masyado kasing hahaba ang kwento.
Paggising ko(bilang si Li Min Ho) wala na akong maalala.
Nasa ospital daw ako. At kagaya sa ibang telenobelang napanood ko, may cute na babae
ang lumpait nagpakilala na fiancƩ ko daw. This time si Angel Locsin iyon. Hindi
ako naniwala.Napakagwapo talaga e! Sinigawan ko siya SINUNGALING! UMALIS KA!. Hindi
pa ako nakontento, binato ko si Angel Locsin ng mansanas. Nakakahiya man, hindi
siya tinamaan. Nagmamakaawa siya, nakaluhod, inlab daw talaga sya saken, tipong
hindi kayang mabuhay kung wala ako.
Napaiyak ko si Angel Locsin (hindi ko alam kung dapat kong ipagyabang iyon).
Pusong bato ako,bilang ako nga ang napakagwapo at napakayabang na si Li Min Ho.
Hindi ko siya pinansin at sinigawan pa nang isang beses at lalo pang lumakas
ang pag-iyak nya.
Napasigaw ako sa
sobrang paghihinayang. WHAAAAA!!!
Kung hindi ako si Li Min Ho, naku nagkatuluyan na kami ni
Angel. Kung kaya ko lang bang kontrolin ang panaginip, naku baka natupad na ang
mga panaginip ko sa mga panaginip ko; dapat gabi-gabi akong nakakapagsulat ng
libro; nakakapagkwento; gabi-gabing kausap yung crush ko; gabi-gabing masaya kahit sa panaginip lang. Kahit sa panaginip lang.
***
Isang umaga, nagising ka, lalagok pa sana ng kape, pero wala nang pumatak. Ang kape ay naubos. Tama! Parang pag-ibig! Nauubos!
Isang umaga, nagising ka, lalagok pa sana ng kape, pero wala nang pumatak. Ang kape ay naubos. Tama! Parang pag-ibig! Nauubos!
Nauubos nga ba? Ewan. Trip mo lang bastang magrelate ng
kahit ano sa pag-ibig.
Nalungkot ka. Pero sa halip na magmaktol ay nagtimpla ka ng
panibagong kape. Panibagong timpla, hindi na matabang? maaari. Pwedeng tamang-tama lang
o pwedeng mapapait naman. Nasasayo kung anong kalalabasan ng lasa.
Parang pag-ibig?
Sakto! Nakuha mo! Parang pag-ibig.
***
May tamang timpla ang kape, ang pag-ibig kaya?
Mahabang usapan yan parekoy.
Bakit nga ba kailangan ng kape sa umaga?
magkape ka kaya para ma-experience mo.
Parang pag-ibig?
SHHHH!!!
Comments
Post a Comment