Sa tuwing nabilog, may kwentong nabubuo


Nasa “real” world ako. May mga tao na nagsasabing ang “real world” daw ay yung mundo pagkalabas ng eskwela.Naniniwala naman ako, ngunit ang pagtanggal sa akademya bilang bahagi ng "tunay" na mundo ang hindi ko mapapaniwalaan.
Kung tatantsahin e nag-uubos ako ng dalawampung oras kada araw, sandaang oras kada linggo at humigit-kumulang na apat na daang oras kada buwan, sa paglagi ko sa unibersidad. Sa daming oras ang ginugol ko rito, hindi ko matatanggap na yakapin ang mentalidad ng iba: na ang buhay sa labas ng eskwela lang ang totoong buhay, ang makapagsasabi kung sino ang matagumpay at hindi. Totoong mundo ito, kailangan kong sabihin na ganito para naman may punto ang pagseseryoso ko sa pag-aaral, ang paghahangad ng kaalaman at hindi basta ng mga uno lang sa bawat pagtatapos ng semestre. Marami akong natutunan sa pagtira sa unibersidad. Natutunan ko na may kahinaan din ang utak ng tao, na maaari din akong humantong sa ibang lebel ng kabaliwan. Natutunan ko din na hindi lahat ng mga bago/hindi kinasanayan, ay mga distraksyon lamang na hindi dapat pinapatulan.
***
Ngayon ko lang napagtanto na kasama nga sa leksyon ng buhay ang mga naranasan ko nung mga nakaraang araw. Kasama sa buhay ang pagkadama ng pagkabobo at pagiging mangmang; ang pagiging sanggol sa mundo ng pag-ibig; ang pagkakaroon ng mga takot, ang takot sa mga pagbabago.
Nung mga nakaraang araw din ay nag-laan ako ng oras ko sa mga sining ng ibang manunulat- nina Vlad ni Juan at ilang mga hindi nagpakilala. Napuna ko ang agwat ng aming mga letra, salita ng mga talinghaga at katuturan, ngunit bukod doon ay ang hindi maitatagong pagkagulo sa tuwing pag-ibig ang pinag-uusapan. Akala ko ay obsesyon ang tawag sa mga nararamdaman ko, ngunit hindi pala. Siguro, dahil nakasanayan ko lang magsulat, natural kung ano ang nadadama ko, yun ang maaari kong isulat.
Walang batas ang pagsusulat, walang pamantayan kung ano ang pinakamaganda at kung ano ang pinaka-makabuluhan.
***
-Wasak ka ba?
./ Hindi pare.. ako naman ang nagsabi na ganun na lang talaga e.
- naku, hindi daw, pero sa loob-loob ay gumuho na iyan.
./ Baka nga, pero hindi talaga e, ako naman ang nagbigay ng ideya sa kanya na hanggang dun na lang kami e. (Hindi ko sinabing forever na ganun, pero sa ngayon, sa ngayon).

-next, next mga 'pre, iba naman ang sa hot seat.
./random, random, random, ayan ikaw ang tinamaan
*haha nag-random-random pa e, ako naman talaga ang pinatamaan
./simulan natin dun sa simula
,
,
.
*kung kayo kasi ay kayo talaga
- sa tingin ko ay hindi lang ganun yun, winowork-out din ata yun e
* sus ko po, antagal na namin e, tapos ganito pa rin ang issue.
-tomo, tama ka nga pala, kung nagawa ka ng paraan, tapos wala pa rin
siguro naman ay tamang bumitiw na.
.
.
...
;;;
-ang galing pala nyang kumanta?
=oo, songer yun
=plus ganda points na naman.
-syanga
= uy nawawala yung ... is typing, nag-iisip ng sasabihin.
-haha

***
Hayaan mong matuto ang sarili mo, huwag pairalin ang mga takot. Huwag matakot mahusgahan. Oo, alam kong matagal na sabi-sabi na ito, pero ngayon ko lang naintindihan e.

Teka-teka, galing na naman pala ako sa inuman. wasak. 

Comments

Popular Posts