Before Anything Else



Bago magwala-walaan ang mundo bukas:
Nais kong masulyapan ang mga dalaga sa Europa,
Siyasatin ang mga graffiti sa dingding ng Amerika,
At masilayan ang ngiti sa binubusog na Aprika.

Bago rumagasa ang nagngi-ngitngit na ulan:
Nais kong makahanap ng pansamantalang silungan.
Doon sa pandong, Si Venus ay bigla na lang lilitaw,
At ang inipong mga pag-ibig ay ipapapinta ko naman.

Bago maglabas ng hinanakit siyang bagong wasak:
Nais kong makakuha ng panyo na maiaalok,
Masimot ang muyang ng pusong hinyaang madurog,
Dumamay, bigyan ng pamunas ang nagkakayat na luha at uhog.

Bago lumubog ang araw, bago magpakita ang buwan:
Bago mag-awasan silang mga batang kinaaliwan:
Bago magbasa ng hindi pa natatapos na nobela:
Bago pa man magkwento ang pinakamalupet na kwentista:

Maalala mo sanang ako'y mabati man lang.

Comments

Popular Posts