Sayo Ko Lang Sasabihin 'To (3/n)

Alam ko na sa puntong ito, tumatakbo ang isip mo. Marami itong binubulong. Sa umaga, sa pagiging abala, hindi mo naririnig ang sinasabi nya. Sa gabi, tila maririndi ka sa lakas ng kanyang mga bintang. Huwag mo siyang pakinggan. Hindi totoo na pumalya ka sa kabuuan.

Hindi totoo na idinikta na ng kahapon ang mangyayari sayo sa hinaharap. Hindi din totoo na nagkamali ka sa paggawa ng mga desisyong sa tingin mo ay hindi umubra. May mga natutunan ka. Mas naging malakas ka.

Totoo lang, nangangatog ang mga tuhod ko, at kinakabag ang tyan sa pag-iisip pa lang ng mga plano ko. Dumarating din ang gabi, lalo na nitong nakaraang linggo, na pakiramdam ko pumikit lang ako at humiga ngunit hindi totoong nakatulog. Magulo ang mundo ko, gayundin ang sa iyo. At wala itong pinagkaiba sa kung kanino man. Pero ito ay dahil sa ganun ang pagtingin natin dito. 

Ang huling maari mong gawin ay masanay sa dilim. Tignan mo, binabati ka ng araw. Sabi nya, sige ibuka mo nga ang mga  bisig mo. Tanggapin mo ang lahat ng darating na akala mo ay kakayanin mo ang lahat. Damhin mo ang lahat.

Teka, baka naman takot ka lang na malaman na kaya mo naman palang gawin ang lahat. Na kung pipilitin mo, ay makakaya mo naman pala. Kung ganun man o hindi, naniniwala ako sayo.




Comments

Popular Posts