Ilang beses ko na bang tinangkang hanapin ang lugar ko.
Hinanap ko ito sa hindi pa napuntahan
Baka nasa hinaharap, sa pangarap, panaginip
kathang-isip, sa ilusyon,  sa delusyon
na baka nga may puwang para sa akin.
Hindi ko pinalagpas sudsurin ang  mga kalyeng dinaanan natin
kung saan napagod ka at nagpasyang umupo
Sabi mo, kung yung iba nga ginagawang kama ang kalye
hindi naman masamang umupo kahit saglit lang
Bago na ang sapatos mo ngayon
pero tayo, kagaya pa din ng dati
Paikot-ikot pa din ako para hanapin ang lugar ko


Comments

Popular Posts