Kagaya ng dati, wala namang masyadong kwento sa akin. Tinatamaan lang din siguro ng katamaran pagdating sa pagsusulat. Hindi na kagaya ng dati na masyadong ambisosyo sa kung anong gustong gawin. Iniisip ko din naman kung bakit hindi nga ba ako naging kagaya ng kung anong pinaplano ko noon. Kung tutuusin, sobrang dami ng plano ko noon. Akala ko, sobrang haba ng limang taon. Akala ko, sobrang dami ng oras para kumatha.

Wala na sa isip ko ngayon ang maging author ngayon. Kung meron man, textbooks lang ang isusulat ko. Masaya pa din namang magsulat. Masaya pa ding gumawa ng obra kahit di mo naman ipapabasa sa iba. Malaki ang epekto ng pagsusulat kung paano ako naging ganito. Kung paano't mas mindful ako sa mga prinsipyo ko sa buhay. Pero ngayon, masyado akong abala sa pagtuturo at pag-aaral. 

Lagi namang ganun. Ilang beses ko nang sinabi na hindi na ako magsusulat, pero heto't bumabalik-balik. Sa mga gabing maraming ginagawa, hihinto at sumandaling magsusulat. 

Kagaya nito.




Comments

Popular Posts