Bakit matumal ang industriya?

Isa itong post na ito sa mga dahilan kung bakit lumubog ang industriya ng pagba-blog. Isa itong mga ganitong klaseng post na walang kalaman-laman kung bakit ayaw magbasa ng mga Pinoy.

Sino ba naman ang magsusulat kung alam niyang walang kapaki-pakinabang na maidudulot ito? Lalo na, sino ang magbabasa, diba?

Pero may mga ilang araw na pilit ko man, guilty pleasure ang mga ganitong post, walang expectation, bilang writer ako ang bahala sa content ko. Walang research, walang proper na grammar. Walang editing. Tanong, nag-eedit nga ba?

Isa sa mga dahilan kung bakit di ko pinopromote tong blog ko e dahil sa mga ganitong panahon. Kapag nagka-cram ako sa ibang bagay, pagdidiskitahan ko tong blog kong ito. Magpa-publish ng walang kwentang log na walang kwenta ang title (For reference, tignan niyo yung post ko kanina yung walang matinong topic).

Feeling ko ako si Bob Ong, porke nasa conversational na tono ang pagsusulat ko. Feel ko may matutuwa saken kasi nalalaman niya kung ano ang nasa isip ko ngayon. Expectedly, wala. Kung anuman, ako lang ang natutuwa sa ginagawa ko.

Pero ang tanong, alam ba iyon ng mga blogger? Hanggang ngayon ba, hindi pa rin sila aware na walang magandang maidudulot ang pag think out loud nila na may kasamang tipa sa keyboard? Hindi naman sila si Noam Chomsky o si Seth Godin, na laging matalino ang kuda sa mga bagay.

Saten-saten na lang to ha. Lapit ka ng konti, ibubulong ko sayo. Oks na?

Okay. Eto na, makinig ka: Wala silang pake sa opinyon ng readers nila.

So, magusulat sila. Araw-araw na parang ganito lang, walang expectations.

E tanong ko lang, masaya ka ba sa nabasa mo? Dito sa walang expectations na ito?

Comments

Popular Posts