Yo

Gusto kong magsulat ng isang obra. Ipagpatuloy ang mga naka-tenggang libro, magbasa, magsulat at mamuhay. Pero sa kung anong dahilan nitong mga nakaraang araw, wala akong ibang nagagawa kundi ang tumunganga at maglaro ng mobile games. Ganun lang siguro ako kalungkot. Dati rati, di ko maisip na magbabad sa kung anumang laro. Sa tingin ko sayang sa oras. Masyadong matagal at walang naiidagdag na skills saken. Iba na ngayon.

Gusto ko din namang makipagkwentuhan sayo. Nakarating saken na sabi mo raw e sobrang tahimik ko na. Totoo naman. Trust issues siguro. Pero dapat sinabi mo na lang saken. Tinext mo na lang sana ako kasi alam mo namang magrereply ako. Ganun naman dati diba? Nagrereply ako. Iba na ba ngayon?

Gusto ko din namang bigyan ka ng pagkakataon. Nung isang araw nga diba nag-pm ka saken dahil pinuri mo kung gaano ako kasinop magsulat kahit wala namang masyadong nagbabasa. Gusto ko ding turuan ka kung ano ang alam ko. Pero wag ngayon. Iba na kasi ngayon. Di na ako ganun ka-disiplinado. 

Gusto kong kamustahin ka.Totoo lang. Pero wala akong lakas ng loob ngayon. Wag na lang. Ayokong isipin mong eto na naman akong lilitaw kung kelan ko gusto. Iba ka na kasi, diba?

Comments

Popular Posts