Bakit walang magaling mag-interview sa rappler live jam?

Medyo matagal na nung huling naka-tatlong baso ako ng kape. Pero heto ako, may pang-apat na baso ng kape sa gilid ko. Nakikinig ako kay Bullet Dumas ngayon. Siguro kilala mo rin siya, ano. Ilang beses ko nang kinwento sa iba tong musikerong to. Minsan nga, naikwento ko sa co-teacher ko, at nasabi niya na kasama niya daw maglaro ng ultimate si bullet. Hindi naman ako fan, trip ko lang tugtugan niya.

Eto, natapos na si Bullet na tumugtog at tinatanong siya ng interviewer kung tuwing kelan daw siya nagsusulat ng kanta. Eto yung mga tanong na gasgas na at sa ganitong panahon, kinakaasaran ng mga pagod na musikero. Bakit mo nga naman itatanong yun e natanong na nila yun kanina pa. 

Parang naiinis si Bullet pero pinilit niyang sumagot, "syempre tuwing malungkot. Hindi ka naman magsusulat ng love song kapag masaya ka e." 

"E paano yun kapag may nag-require senyo na magsulat ng kanta kahit masaya kayo, paano niyo nilalabanan ang writer's block?"

Hindi siya nagsalita, hinayaan na lang niyang sumagot si Ebe. Tas maya-maya, sumabat siya. "Tuwing malungkot talaga kasi best love songs are written with a broken heart, ika nga ng Carpenters."

Paubos na ang kape ko bago nila tugtugin ang huling kanta nila. Hindi matanggal sa akin kung naka-hipak ba itong si Ebe ng kung ano at sobrang natatawa siya dito sa video. Walang dahilan e ngumingisi habang in-iinterview. Nung nakasama ko kasi nang personal si Ebe o kilala ng sobrang konti bilang Vincent Ferdinand Dancel, e sobrang gusto lang niyang mapag-isa. Siguro yung tatak ng Saucony lang ang pagkakatulad. Naka-saucony shirt kasi siya ngayon, e naka-Saucony siya na jogging shoes noon.

Sana tanda pa ako ni Ebe dahil nagkasama naman kami ng ilang oras nitong February. Sana naman. 

Comments

Popular Posts