Sa i(n)yo


Hindi ko naman gustong ma-feel mong di kita pinapahalagahan. Kung anuman, naiisip kita madalas. Di ko lang talaga mapilit ang bibig ko na sabihin ang mga iyon. Excited akong makita ka, araw-araw. Nasanay lang akong nandyan ka parati.

Pasensya na kung di ako laging nandyan para sayo. Feel ko din kasing naiwanan ako ng biyahe, umalis na yung bus nung makalawa pa, wala namang nagsabi. Matagal pa ata ang hihintayin ko. Ayos lang, ganun lang talaga. Ayoko namang magmadali.

Gusto kong ilabas lahat n sama ng loob ko sa mga taong parang di naman tao makipag-usap. Naaawa din ako sa sarili ko minsan, pero mas naaawa ako sa kanila kaya wag na lang. Kung bakit ako ang kelangang maglinis ng mga atraso nila at kapabayaan. Nakakapagod buhatin sila ah. Napapagod akong di lang ang pamilya ko ang kelangan kong dalhin at akayin. Nandyan pag may kelangan, pag wala na parang di ka kilala.

Madami akong masasabi ngayong araw tungkol sa mga kamalian ng iba, pero alam ko din kung saan ako nagkukulang. At sapat na din siguro yun. Kung bakit pinipili kong manahimik kaysa punahin sila, at kung bakit pinipili ko lang ang pinagsasabihan ko ng hinaing. Wala akong tiwala sa tao kapag tahimik ako. Ibig-sabihin lang nun na di ko sila ramdam.

Alam ko namang di mo babasahin to, pero na-miss na kita. Miss ko na yung panlilibre mo saken matapos kitang samahan mag-grocery. Na-miss ko din yung pagtatampo mo saken parati. Di mo ko kikibuin kahit wala naman akong alam na ginawa kong mali. Tinawagan mo ako nung nakaraang taon. Di ko alam kung bakit ba. Bakit pa. Wala naman na tayong dapat pag-usapan.

Matagal na din akong di kampante sa mga sinusulat ko. Nawawalan na ako ng lalim at mensahe. Madalas, paglalabas na lang ng hinaing. Ayoko sanang ganito ako magsulat lagi pero pano naman ako magkekwento kung puro inis ang pinaparamdam saken ng mundo.

Sa ngayon, kelangan ko lang maghintay.












Comments

Popular Posts