Hindi Inaasahan

Photo source: Thom Holmes @ unsplash


Naglalakad ka, nagmamadaling makapunta sa patutunguhan. 

Tumatanda na. Ayaw mo nang magpaiwan. 

Bawat araw pinagbubutihan.

Desidido kang makapagtapos muna, magpahinga panandalian, at magdesisyon kung saan na pupunta. 

Sa ngayon, patuloy lang.

Kaya masinop kang nabubuhay kada araw. 

Dahan-dahang ninanamnam ang pahina ng buhay. Walang kahapong nais balikan. Kung mayroon, ilusyon.

Pero may makakasalubong kang hindi inaasahan. 

At mapapatanong ka kung bakit kailangan mong sarilinin ang lahat.



Comments

Popular Posts