Texto ay buhay ay texto

 

Photo source: mirsad mujanovic




 Marami tayong ginagawa na kakaiba sa mga nakasanayan natin. Maraming eksperimento na pinapasukan, wala lang. Siguro dala ng bagot, o kaya ay dala ng pagkamangha sa mundo.

Naglalakad tayong nakalapat ang mga paa sa lupa, at parang nakadikit sa mundo at pupuntahan.

Hindi naman laging kailangang may dahilan ang paglalakbay. Hindi kailangang may mantra ang bawat padayon.

Minsan ginagawa natin ito para sa sarili nitong katuturan o kawalang-kahulugan.

Minsan naglalakad ka para sa paggalaw, dahil nasa paggalaw ang pruweba ng buhay hindi ba? Para na rin siguro sa pagpapatuloy, at hindi lang dahil sa may gusto kang marating.

At ayos lamang iyon, basta nagugustuhan mo ang ginagawa mo; basta nakalinya pa rin iyan sa pinapahalagahan mo. 

Syempre di ko na kailangang palawigin pa kung naniniwala ka sa Kanya. Alam mo na iyon. Alam mo na ang dapat mong gawin.

Kagaya nang alam mo na ang sinasabi ko rito kahit walang pinapatumbukan at waring sala-salabat ang mga ideya ng textong ito.

Magpatuloy ka. Lumaban ka.








Comments

Popular Posts