Balang-araw
Ang mga binti na di sanay ay magrereklamo sa pagsulong
At ang mga paa ay maninibago kaya mas pipiliing manatili sa kung saan naroon ka
Ang isip mong nalalanta ay mangangamba at gustong manatili sa komportableng pagpalya.
Pero sa pagtagal, hinihingal ang utak mong nagtatanong.
Nakapikit pa sa simula hanggang sa magising na ang natutulog na diwa
'Di mo kailangang malaman kung saan tayo pupunta.' sabi niya sa ayaw patalong duda.
Maya-maya'y gumagaan ang lahat sa paglaho ng nagbabantang ulan.
Ang isipang pagal ay biglang babangon sa pagngiti ng araw.
Nasa gilid lang pala ang balang-araw.
Hayan na siya. Kumapit ka lang.
Comments
Post a Comment