Bakit ba pinilit?


Kung meron mang too good to be true, tiyak meron dyang mga storya na hindi papaniwalaan agad kasi sadyang mahirap lang talaga. Halimbawa na lang ang laban ni manny kanina, di ba hindi ka kaagad naniwala nung tinext ng kaklase mo na talo ang pilipino. Palibhasa eh nagtiyaga kang manood diyan sa telibisyon ninyo kung saan ang isang round ng suntukan equals sandamakmak na commercials, hay!!! Nakakasawa na ba? Okay na yan mas malapit sa katotohanan medyo huli lang. May bata pa na sobrang desidido, nakapikit pa habang nagdarasal na si pacquiao ay manalo. Kawawang bata nagdasal para sa wala, kung sana hindi late ang broadcast baka sakali ang dasal ay napagbigyan.Kung sana nagdasal siya nang maaga edi sana nakasama siya sa  grupo ng mga meron at meron'  pinoy at kahit hindi na din basta may pusta nang malaki. Dapat nakasabay niya ung may bulaklaking shirt at yung may eyeglasses na orange na isang buwan pa bago ang laban ay nagdarasal na dahil milyon ang kanilang pusta., ang mga tricycle driver na tumigil sa pasada si lolang huminto muna sa nobena si manong chief na walang nahuling thief si nanay na namahinga sa bahay at si father na nagpray-over, lahat sila na nagdasal nang maaga ay nauwi sa pagkadismaya. At si bradley na sa suntok ay kapos ngunit sa puntos ay puspos ang nakadaig sa kampyon ng daigdig.

Minsan ganyan lang talaga,ang gusto ay hindi syang laging nasusunod pwera na lang kung ikaw ang boss. Naalala ko tuloy ang tawag sa akin ng kaklase ko. Boss, kung ikaw ang tatawagin na boss matutuwa ka ba?
Minsan nagugustuhan, minsan kinaiinisan. Mahirap kasi ung may titulo, minsan pumupunta yan sa ulo. Akala ko boss talaga ako, pero sino ang alipores ko? Sarili ko.

Sarili ko lang ang kalaban ko sa kolehiyo, yan ang payo ng magulang ko. Pero ang pagkadesperado ay lumalabas lang kapag malapit nang ma-singko, yan tuloy nakuha ko'y kwatro. Kung sana si boss ay hindi laging nakahilata sa kwarto disin sana'y sa huli nang semestre may pag-asang maka-uno (assuming ). Wala naman talagang masama sa pagiging  desperado kung alam mong ikaw ay medyo dehado. May kakilala nga ako bago mag-exam kabado nung nag-test ay uno, samantalang ako bago mag-exam mayabang pagkatapos ng exam luhaan.

Pagkatapos ng eksam, ako ay nagdasal. Dahil nga ang sagot ay puro hula, checker sana ay makaintindi  sa mga solution na talaga namang sight pollution. Kung sana ang checker ay nag-consider ng aking answer, edi sana ang kwatro ay naging tres at ang tuwa ay walang kapares.Kung sana siya ay nagbigay ng puntos na partial edi sana may gana akong mamasyal. Ka'sar.

Bakit kasi ang kwentong to ay medyo patula at ang tugma ay hindi malaya. Kung sana ang mga salita ay hindi pinilit na tumugma at ang dula ay ikinwento na lang. Kung sana si boss ay nag-aral nang lubos. Mahirap kasing desperado ka lang ngunit sa paraan ay kulang.

Kung ang puntos ay pinilit iguhit, ang mata ng tao ay hindi mapipihit.Kung sana ako ay naging totoo, ang dulang ito ay nabuo ang kwento. Ang kulang na linya ay mapapalitan ba ng mga salitang sa tenga ay kaaya-aya.? Minsan naging mas matimbang ba ang mga mata ng tatlong salat sa katapatan sa buong tunay na mata ng sambayanan?

Kailangan mo lang ng isang tala upang ma-realize na hindi lahat nang nakikita mo ay maabot mo at hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Noon ko pa sana naisip ang linya upang lahat ay ganito na lang, natural. Dapat sana ang unang naiisip ko ang naisulat ko at hindi ang mga salitang sasakto sa tyempo. Paano nga ba tatatapusin ang linya? Bahala na.

I'm the boss na sa diskarte ay  medyo kinapos. Tapos.

Comments

Popular Posts