Para Sa'yo 'to

Kiss the rain, how could I?

Hayan na sila. 

Ang mga ala-ala na unti-unting dumarating, parang may isang urgent meeting. Meeting ng ancient ideas na pinilit i-retrieve para sa isang lathala. Hirap kaya nun. The process was done in a second. Hindi ko nga alam kung bakit ba ang pag-flashback ng memories ay napakabilis. Sa isang segundo lang pwede ka nang ngumiti at sa isang segundo lang pwede ka nang lumuha.

Pinilit kong gawing simple ang titulo para sa isang simpleng tao.
Una kitang nakita nung dalawang taon ako, kung kailan ako ay may kakayahan nang matandaan ang mga pangyayari sa aking buhay. Medyo mataba ka pa non, palebhasa eh balikbayan. Hindi ko na maalala kung ano ang ugali mo noon. Ang alam ko lang strikto ka.

Naalala ko pa noong tumakas ako at hindi nag-siesta, kinder pa yata ako nun. Pag-uwi ko may hawak kang sinturon at tinanong mo ako, pinggan o sinturon? Eh medyo napayabang ako, porke ayoko maghugas ng pinggan at akala ko kaya ko nang tiiisin ang sakit ng sinturon, pinili ko na lang ang limang palo.Hindi ko akalain na sa unang lapat pa lang ng sinturon sa aking balat, tumayo na ako kaagad. Kawawang bata nasaktan para sa wala.

Ngayong father's day pinilit kong alalahanin ang masasayang memories nung kasama kita. Natatandaan mo pa ba nung naglaro tayo ng basketball? Pagod ka pa nga nun galing trabaho pero ang bilis mo pa ring mag-dribol. Sana naniwala ako kay mama nung sinabi nyang sa basketball meron ka namang ibubuga. Magkakampi tayo noon, habang si kuya at si bunso naman ang sa kabila. Parang bata ka habang nahalakhak kung si kuya ay butata at si bunso ay walang magawa. Pero natalo tayo, hindi ko kasi na-shoot yung bola kaya napapunta sa kanila ang huling tira. Oks lang yun. Manalo matalo alam ko sa huli ikaw pa rin ang manlilibre ng meryenda. Ang game na yun ay hindi na naulit pa.Lumayo na kasi si kuya at ika'y medyo busy na. 

Sana hindi mo nalimutan yung mga kwento ko tuwing umuuwi ako. At hindi ko din naman kakalimutan yung kwentong-barko mo na kadalasan ay may halong barbero. Hindi ko rin lilimutan ang mga bagay na sinambit mo nang paulit-ulit. Ang tao ay hindi nabubuhay sa libro kaya pinilit kong maging maabilidad. Pinilit kong gawin ang mga bagay na sa libro ay hindi ko matututunan kahit ilang libro man ang matapos. Patience, hardwork, at pagkakaroon ng respeto. Walang libro ang makakapagturo nito. Maaari mang nakatala pero kung hindi mo mararanasan mahirap itong tandaan.


Pinilit kong umisip kung bakit ikaw ang best father. Best father ka kasi kaya mong tiising makitang mahirapan ang anak mo kung alam mong dito sila matututo. Best father ka kasi hinahayaan mong matuto ang anak mo sa kanilang paraan at hindi sa tinuro mo lang. Best father ka kasi hindi ka nahihiya kapag kinkantsyawan ka ng iba na ikaw ay under de saya. Best father ka kasi hindi ka nahihiya nung makita kitang umiiyak. Best father ka dahil lagi mong kinikwento ang mga anak mo sa mga buddy mo. Best father ka basta sabi ko. Sayang nga lang kasi hindi mo ito naririnig mula sa bibig ko. Sayang dahil hindi ko nasabi yun noong kaya pa kitang hawakan at kantahan. Sayang dahil hindi ko masabi to nang harapan.

Sayang kasi ang mga salita ay salita na lamang. Hindi ko alam kung nararamdaman mo to. Matagal na nga pala tayong hindi nagkikita. Tanging sa panaginip at lumang larawan na lang kitang nakikitang nakatawa. Salamat at sa larawan ay nakangiti ka. Kung minsan  namang may oras ka, sa panaginip tayo'y magkwentuhan, magkamustahan. Mag-usap nang magagandang bagay. 

Kapag ikaw daw ay mawawala na ni isang linya wala kang maaalala. Sana kahit hindi mo na ako kilala, sana'y tayo ay muling magkita.


Ilang heartbreaking songs ang ni-replay ngunit ang puso ay parang bato pa rin. Isang segundo lang ang lumipas, bakit ang luha bumababa na kaagad?

Salamat kay yiruma kung hindi sa kanya hindi maiisipang gumawa ng mga linya.Salamat na rin kay vlad at sa iyong obra, kung hindi sa'yo wala ang lathalang ito. At sa aking ama sana  ngayon ikaw ay masaya.

Hanggang sa muli nating pagkikita.




Comments

Popular Posts