Patience is a Virtue

Maraming bagay pa ang hindi ko natutunan. Pwera sa hindi ako marunong mag-bike at hindi pa ako marunong maglangoy, marami pang bagay ang hindi ko natutunan nung bata ako. Hindi ko nga alam kung naging bata ba ako o hindi. Simula kasi nung tinuruan akong magbasa ng nanay ko,( oo, tinuruan pa ako ng nanay kong magbasa dahil hindi ko makuha ang turo ni teacher Vangie noong kinder pa ako) puro libro na lang ang pinagkaabalahan ko. Pero kahit hilig ko ang magbasa bilang na bilang pa rin ang natatapos kong novels.Masyado kasi akong ambitious bilang reader. Gusto ko matapos ko nang isang upuan ang mga libro na sisimulan ko. At unfortunately iilan lang ang napakainteresanteng libro na hindi ko napakawalan hanggang hindi ko natatapos. Nabuhay ako sa fanstastical ideal setting.Hindi ito nalalayo sa pamumuhay sa panaginip na kung tulog ka na saka lang lalabas at sa tuwing maki-kiss mo na sa lips ang crush mo ay saka ka naman gigisingin ng nanay mo. Sayang!

Natatandaan ko noong bata ako, kapag kakantsyawan ako ng mga tambay na tumaya sa kara-krus hindi ako tumatanggi. Yagyag ako pauwi at sabay hingi ng piso sa nanay. Kung hindi ako bibigyan ay magmamaktol kaagad. Kung bibigyan na ako ng piso ay sabay pahid ng sipon at karipas para tumaya. Sa pagtaya naman ay wala pang isang minuto'y ubos na ang pisong iniyakan ko nang matagal. Edi luhaan uli pauwi. Minsan nga hinahayaan na lang ako ng nanay kong magkumahog sa kaiiyak sa bahay kesa ipatalo ko lang ang pisong kanyang ibibigay. Hindi na mabilang kung ilang pisong iniyakan ko ang natalo bago pa ako makawala dyan sa pantasya kong uuwi din akong puno ng piso ang bulsa. Nagtataka nga ako kung bakit ba hindi ako nagising agad sa katotohanan na hindi ako mananalo sa isang tayaan lang. At kung minsan, manalo ka man nang saglit maya-maya wala na ulit.

Ang daming incidences ang nangangailangan nang paulit-ulit na pagtuktok bago mo maramdaman na may bukol ka na pala sa noo.Ilang beses ka na bang managinip na lumilipad ka at paggising mo ay nalaglag ka lang pala sa kama. O kaya naman ilang beses kang managinip na may baha at akalain itong totoo dahil basa na ang kama. Ilang beses kang maghihintay hanggang malaman mong hindi nga babagsak ang bayabas sa iyong bunganga.Experiment and wait for the result until find yourself out of the dragon of fantasies' stomach.

Kaya mong makawala, oo, oras lang ang kailangan. Kaya mong makawala sa pantasaya ng panaginip magising ka lamang. 

Nagising ako, hindi basa ang salwal, wala sa ilalim nang kama. Nagising ako at medyo huli na. Maraming panaginip ang nakapasok sa isipan ngunit hindi makalabas sa mundong materyal. Hoy! gising na ! online registration na nga pala. Bakit ba hindi ko mabuksan ang systemone, napakatagal.

Halika managinip muna tayo. Ilang oras nang natulog wala pa ring subjects 6 units pa lang 18 units ang kailangan. Kagaya nang natutunan kailangan maghintay.

HIntay ka lang hanggang may dumaan na dragon. At kung meron nga gumising ka na dahil sigurado nanaginip ka lamang.











Comments

Popular Posts