Kamartesan
Tuesday, November 27, 2012
Naku madami akong kwento ngayon. Kanina, alas-seis ako
gumising, medyo maaga nga e. Alas-dies pa talaga ang klase ko kaso may
tatapusin pa ako sa HUM 2, yung letras y
figuras? Basta sa letras chepar ay dapat magkaroon ka ng mga images na
nakabatay sa contour nung letters ng pangalan mo. Basta, maarteng pagsulat/pagpinta
ang tawag ko dun.
Alas-nueve na nang mapa-print ko ang gagamitin kong
pictures. Papasok na sana ako sa klase nang makita ko si Kuya King, nabanggit
ko na diba sya? Siya yung magaling mag-painting?Yung bang kasali sa UP Painters Club. Dormmate ko siya last
sem, umalis siya sa dorm kasi naaartehan daw siya sa mga roommates niyang
conyo. Hindi pa siya ligo’ nang makita ko, hindi naman siya yung naka-pajamas
kapag natutulog kaya okay lang naman. Bearable pa rin ang hitsura at mapagtitiisan
pa din naman ang amoy niya. Alas-dies din ang klase niya, at dahil ngayon lang
ulet kami nagkita, inakit pa din niya akong mag-almusal kahit alanganin na.
Dahil hindi pa din naman ako nag-aalmusal, pumayag na ako. Hindi niya daw ako
nakilala kaagad dahil sa salamin ko. Oo nga pala, hindi ko pa nababanggit ,
nung sabado lang ako nagpasalamin. Medyo mataas yung grado ng salamin ko kesa
sa inaasahan, astigmatism daw, binigyan pa ako ng discount nung doktora dahil
sa up daw ako nag-aaral.
Naitanong ko kay Kuya King yung tungkol sa sis niyang kamamatay lang. Parang kapatid na daw niya yun, nung sabado bago yung nangyari, naglaro pa daw sila nang football. Nung linggo ng gabi, ka-chat pa daw niya. Isang araw daw siyang hindi ngumiti dahil dun. Para kay Kuya King na nakaugaliang ngumiti,seryosong bagay yun, higit pa sa pagluha ang hindi niya pagngiti. Sa isang minuto, hindi mawawalan ng ngiti yun. Nung dati nga e, nung di ko pa sya kilala, nawi-weirdohan ako sa kanya kasi parati siyang napapangiti nang hindi nakatingin sa akin, kapag nagkakasalubong kami. Ilang minuto din kaming napatahimik,” Nagpapayat na nga pala si Jayson!”, sabi ko. O ‘talaga? Sabihin mo sabay kami mag-jog. “Ayaw nga daw niyang mag-jog kasi mataba daw siya, baka daw tawanan nung mga payat na jogger. Kaya ayun nagtitiyagang magcurl-ups at sit-ups sa dorm, pinagtutulungan pa yun ni Daryl at Kuya James.” Pumasok na ako sa klase ng 9:30 habang dumiretso siya sa apartment nila para maligo.
10:27 na nang dumating yung prof sa POSC 10. Sayang nga e,
tatlong minuto na lang at dapat wala na kaming klase. Hindi din pala, iniiwasan
ko nga pala ang magkaroon ng mga vacant ngayon, baka kasi maisipan ko pang
tumambay sa kung saan-saan, ayokong mangyari yon.
Pinag-aralan na naman naming yung walang katapusang state, nation at government. Kung bakit kailangan ng government, kung ano ang mga batas para sa pagtukoy ng teritoryo ng bansa, at kung gaano daw ka-stupid yung ibang bansa para sa makasariling plano, at ang sariling bansa din sa ibat-ibang kadahilanan. Sige, tama na muna para sa mga lesson, siguradong marami pa akong maiikwentong ganyan sa susunod.
Pinag-aralan na naman naming yung walang katapusang state, nation at government. Kung bakit kailangan ng government, kung ano ang mga batas para sa pagtukoy ng teritoryo ng bansa, at kung gaano daw ka-stupid yung ibang bansa para sa makasariling plano, at ang sariling bansa din sa ibat-ibang kadahilanan. Sige, tama na muna para sa mga lesson, siguradong marami pa akong maiikwentong ganyan sa susunod.
11:30. Pumasok ako sa HUM 2. BS Nutrition student yung katabi ko. Dahil may mga kaibigan akong
tag-nutri din, tinanong ko kung may org siya, sabi niya OO. PAN po ba? OO. Tinanong din niya kung
sino yung mga kakilala ko, aplikante daw nila. Pakiramdam ko nasobrahan ako sa
pagkekwento kay ate, tama, nakikipag-usap na ako sa mga babae ngayon kahit
hindi nila ako unang kinakausap.
Ala-una natapos ang araw ko. Mahaba pa ang araw, pwede akong
tumambay, makipag-kwentuhan nang saglit, pero natulog na lang ako.
Malinaw na ang aking
paningin, malawak, hindi na maliligaw at sa daan tuwing gabi, hindi na din
mabubulag sa damdamin/ emosyong nakalalango at nakakadistract.
Alas-siete na. Teka at may gagawin pa nga pala ako.
Comments
Post a Comment