1 Unread Message


(Nothing to Display)
Naalala ko yung isang lecture namin sa Humanities 1. Nabanggit ng propesor ko ang malalim na interpretasyon ng pagse-send ng blank txt messages. Kapag napadalhan ka daw ng blank txt message, kung anu-ano na daw ang iisipin mo. Tipong may magpa-flash na lang bigla na imaginary messages; Eoww,  Gandang umaga, Howdy ’ at kung anu-ano pang salitang posibleng sasabihin nung sender. Puro tanong din nga pala ang nakakabit sa mga blankong espasyo.  Para san kaya ‘to? Papansin lang kaya? Emergency ba? May problema? Speechless sa beauty ko? Grabe. Nang minsang napadalhan ako ng isang blank text message, inisip ko lang na nawrong-send yung nagpadala, o  kaya eh kailangan lang nyang magpapansin o kaya naman e ‘bored’ siya.

***
BOREDOM. Napakalaki ng takot ko sa salitang yan(Boredom kills daw kasi). Nagiging ewan kasi ako kapag bored, kaya hanggang maaari ayokong ma-bore. Nung isang araw nag-send ako ng blank text messages sa ilang kakilala para lang may magawa. Ang weird diba? Atsaka nagagaya ko yung si Boy Abunda, tipong dumarami yung tanong ko kapag bored . Sino yung first crush mo? Na bh ka na ba? What is your fave color? Busy ka? What is love? “Puro tanong ang buhay” Haiiy! At ayokong matapos ang post  sa mga tanong na hindi na nangagailangan ng sagot. Bakit ba walang side-mirror ang eroplano? Kaano-ano ni Dora the Explorer si Internet Explorer? Bakit sa kahit anong angle ang ganda mo? Prove by using AAA SSS and SAS Postulates of Geometry.

***
 Total sabik naman tayo sa kwento. [Ang kwento ay nagmula sa boxes(inbox, sentbox).]. May isang bored ang nagtanong:
./Ano ba ang pwedeng gawin ng taong bored pwera sa pagse-send ng blank messages?
Makipag-bonding w/ friends. Gala sa mall w/ friends. O kaya makipag-txt sa taong trip mo.
./ I’ll  go with makipag-txt sa taong trip mo.
Go na. Itext mo na yung taong trip mo.

Love story ang tema. Kwentong pag-ibig: First heartaches;first crush; abangers mode na kaibigan; yung crush na hindi nanliligaw; at yung isang hindi pa daw na-inlove; friendzone; nbsb; at siyang hanggang sa inspirasyon lang.

Ako kapag nagka-bf gusto ko siya na until the end.
./Sinasabi ko rin yan
BIhira lang ang ganyan….Ang lalaking magsasabi nyan.
./In the end, a guy needs one great love lang naman. Love is always a tragedy. Being mortal, laging merong naiiwan, specifically by death. At kapag may naiwan nandun yung greater feeling of loss, tragedy as it is.

Konting biro, konting pagpapatawa, ganyan lang. Medyo seryoso. Kadalasan siya yung nagtatanong kaya laking gulat kung siya na yung tinatanong.

So, ka-text mo na yung taong trip mo? Sino na nga yung crush mo? pls pls pls
./Secret?(patanong pa din)

Habang nadaragdagan ng laman ang mga box , nadaragdagan din ang pagkakakilala. Favorite color; favorite band; mga lasang hindi gusto ng taste buds; mga trip na pam-panks; mga hilig at mga birong kadalasan ay may halo ng ka-cornyhan.

./Mga masasaya lang ba ang pwedeng umorder ng happy meal?
Hindi a.Kaloka ka talaga!
./Ice ka ba?
Why? Hahaha
./Crush kita? Okay lang?
Makabanat naman ‘to. Kaloka

Mr. Questions. Mga tanong na hinugot out of boredom. Nagtatanong para lang may mapag-usapan. Ang hirap sumagot sa tanong. Ang hirap magpangalan, may isang sagot na pwedeng magbalik sa umpisa, noong zero pa ang laman ng inbox, noong wala pang ideya kung sino ang isat-isa. Sa pagtatapos ng araw, binitawan niya ang pinaka-weird sa lahat ng mga tanong. Halos matunaw sa pagpindot ng send, pero gora na.

So my CRUSH ka? Bakit crush lang? Hindi ba pwedeng i-level up?
./ Hindi ko kasi kayang i-handle.
*******
Sino na nga po?
./Nevermind J
******( sorry, details cannot be displayed)
******

Alas-dose na. PInahi na niya ang laman ng boxes. Gusto nang limutin ang mga tanong, ang mga sagot, mga biro at mga ka-cornyhan. Gustong panatilihin ang pagkakaibigan, kasiyahan sa tuwing nagkakausap at ang kagandahan sa ilalim ng pagngiti. Pero dahil may isang teksto kang binabasa ngayon, nangangahulugan lang na may kwentong hindi lang sa kahon natatapos.  May mga kwentong mananatili sa isipan; parang pangalan ng taong hinahangaan. Tulog na tayo.
(Inbox empty, Sentbox empty)

1 unread message, sabik sa pagbubukas ng pinakaunang mensahe sa kahon

Comments

Popular Posts